Sa kabila ng malaking kompetisyon ng mga naglalakihang restaurant and food chain business sa Pilipinas ay hindi pa rin mawawala ang patok na negosyong Carinderia o Turo-Turo dito sa atin. Marami sa mga Pinoy ang pinipili pa ring kumain ng mga murang lutong bahay na inihahain sa ganito kesa magtungo at magbayad ng mahal sa mga fast food chain.
Kaya't kung nais mong magsimula ng maliit na negosyo. Isa ang Carinderia Business sa maaari mong pasukin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera kung nais mong mamuhunan sa ganitong negosyo:
- Puhunan. Kailangan na pasimulang kapital sa negosyong ito ay hindi bababa sa 15,000 pesos. Ang puhunan ay paiikutin mo sa loob ng isa o dalawang linggo. Ang perang ito ay ilalaan mo sa pagbili ng mga lulutuin, gamit pang kusina, renta sa espasyo, at bayad sa permits. Mas maliit pa rito ang kailangan mong puhunan kung sa sariling bakuran mo sisimulan ang iyong karinderia.
- Gamit. Isa o dalawang mesa para sa iyong mga parokyano, espasyo na paglalagyan ng iyong gamit pang kusina tulad ng kalan,plato, kutsara, tinidor atbp. Maaari na ito para sa maliit na karinderia.
- Tauhan. Sa simula, hindi mo kinakailangan na magpasok ng empleyado ngunit sa katagalan kapag lumago na ang iyong karinderia ay maglaan ng pondo para sa isa o higit pang empleyado na iyong papaswelduhin.
- Lokasyon. Isa sa ikatatagumpay ng karinderia ay ang pagpili ng lokasyon. Pumili ng lugar kung saan patok ang turo-turo. Maaaring pagtayuan ang mga lugar malapit sa mga public school, opisina, munisipyo, simbahan, ospital, sakayan ng jeep o pedicab. Basta't doon sa lugar na malapit sa masa.
- Presyo. Tiyakin na ang presyo ng iyong mga ulam ay angkop sa budget ng iyong mga customer. Kung maaari ay bigyan ng discount ang mga suki.
- Luto. Higit sa lahat, dapat na masarap ang iyong mga lutuin para balik-balikan ka ng iyong mga customer at hindi lang sila kundi pati na ang mga taong sinabihan nila sa iyung masarap na luto ay tutungo at kakain sa iyong maliit na karinderia.
Kung hilig mo ang pagluluto ay hindi mahirap para sa iyo ang negosyong Karinderia. Tandaan, masarap na luto, tamang lokasyon at malasakit sa mga customer ang sikreto ng tagumpay sa negosyong ito.
source: businessdiary dot com dot ph
Thank you sa napaka magandang tips
ReplyDeleteSalamat sa magandang tips..kaya kailangang makapag umpisa na..bilang isang ofw..
ReplyDelete