Summer na! Tiyak na patok na naman ang mga negosyong pampalamig. Ito ang ilan sa mga pwede mong subukan.
Banana Shake
Mga Sangkap: 1/3 cup ng lemon juice, 1 saging (mashed), kalahating evap milk, 1 quart orange ice, 1 pint cold water, 1 hiwa ng orange.
Napakadali nito gawin: Pagsamahin lang ang lemon juice, banana at asukal. Palamigin. Ihalo sa evaporada. Idagdag ang orang ice at tubig. Haluin at ihanda na.
Halo Halo
Mga Sangkap: Puting asukal, gatas, leche plan, ube halaya, macapuno, pinipog, langka, gulaman, sago, saba, camote, kaong, giniling na yelo.
Ilagay lamang sa isang baso lahat ng sangkap, pagkatapos ay ang yelo. Isang masarap na gatas ang sikreto nang isang masarap na halo-halo.
Fruit Smoothie
Mga Sangkap: dalawang tasa ng orange juice, 1/3 tasa ng yogurt, dalawang saging ( medium, cut up), 1/2 tasa ng blue berry
Ilagay lang sa blender lahat ng sahog. Makakalikha na ng isang masarap na fruit smoothie.
Comments
Post a Comment