Skip to main content

Summer Dating: Tips Para Sa Mga Nais Makipag-Date Ngayong Tag-init



Summer Dating- isang masayang pagkakataon sa magkasintahan na i-enjoy ang tag-init. Magliwaliw ng magkasama. Magsaya ng magkapiling ngayong summer season. Tuwing tag-init, ang pinaka-maiging panahon upang makisalamuha o i-date ang iyong mahal na kasintahan o makipag-date sa iyong napupusuan. 


ENJOY THE SUMMER TOGETHER

Saan mo nga ba siya dadalhin ngayong tag-init? Ito ang ilan sa tips para sa mga nais makipag-date ngayong summer na sa Pinas. 

  1. Yayain na ang iyong minamahal sa beach. Ang lugar kung saan maraming bagay kayong pwedeng gawin na tiyak na magpapasaya sa inyo pareho. Para sa mga nanliligaw, isang romantikong lugar ang beach para ipahayag ang iyong damdamin. Pwede mo siyang yayain na maglakad lakad sa beach lalo na't sa gabi. Maaari ka ring magset-up ng isang romantic date. Candle light picnic, makinig ng mga romantikong kanta ng magkasama, star gazing atbp. 
  2. Para sa mga mahilig kumain, perfect idea ang backyard barbeque, pagkain ng fresh salad, samahan pa ng pag-inom ng cool drinks together. 
  3. Isang magandang pagkakataon din ang pagtungo sa mga outdoor festivals at bumili ng mga souvenir item para sa kanya. May fun factor ang summer festivals na tiyak na magpapakilig sa iyong minamahal. 
  4. Magpakitang gilas katoto, yayain siya sa isang picnic na ikaw mismo ang naghanda. Pumili ng lugar na may kilig factor gaya ng dalampasigan o parke. 
  5. Kung athletic type ang kasintahan, maaaring i-enjoy ngayong summer ang iba't ibang sports tulad ng tennis, bike rides, golf, rollerblading, at horse back riding. Pwede rin ang nature hiking o mga team sports tulad ng soccer game o volleyball. Mag-aya din ng ibang couples at makipag-compete.
O hayan, tiyak na may idea ka na para sa isang romantikong summer date kasama siya. Pwede mo rin subukan ang ilan pa sa mga ito: Fishing, Surfing, Sunset Cruising, pagtungo sa mga water park, i-enjoy ang water falls, camping, pagtungo sa zoo, o mag food trip sa mga outdoor restaurants.

Best time talaga ang summer dahil marami kang magagawa para mapasaya ang minamahal. O anu pang hinihintay, tawagan na siya at i-enjoy na ang Summer. 


Bookmark and Share




Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...