Toothache- Ang sakit ng ngipin ay isang malaking abala. Hindi mo tiyak kung kailan ito susumpong. Maraming mga natural na lunas ang maaari mong subukan para rito.
- Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin ay makatutulong pahupain ang sakit ng ngipin. Isa ito sa tinuturing na mabisang natural pain reliever.
- Ang sibuyas ay epektibo ring lunas sa sakit ng ngipin. Ang pagnguya ng sibuyas ay may dalang benepisyo upang mawala ang sakit ng ngipin. Maanghang ito ngunit garantisadong solusyon. Kung hindi manguya ang sibuyas ay pwede mo rin subukang gumawa ng langis yari rito. Pahiran ng langis ang sirang ngipin gamit ang malinis na cottonballs.
- Para sa pagpatay ng mikrobyo ay maaari mo ring subukang ang juice na yari sa sibuyas. Puting sibuyas ang mas epektibong gamitin.
- Kapaki-pakinabang din ang Asefitida. Durugin ito at ihalo sa lemon juice at ipahid sa sirang ngipin gamit ang cottonballs.
- Pinakamabisa pa rin ang pagsisipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw. Ugaliin din ang pagmumumog pagkatapos kumain.
Ang mga ito ay natural na lunas lamang sa toothache o sakit ng ngipin. Kaya't maigi pa rin na kumonsulta agad sa inyong dentista para sa mas epektibong solusyon.
Tama! Ginawa ko yan dati, pero kapag di pa umubra pabunot na. hehehe
ReplyDeleteaq nga din ngwa q nadin yan peo di prn uubra kng ipapabunot lintik tlga tong toothache.
ReplyDelete