Ang kadalasang sanhi ng pananakit ng likod ay sakit ng kalamnan o MUSCLE STRAIN kung tawagin. Ang pakiramdam ay parang may pilay ito ay dahil sa maling posisyon ng pagtulog, maling pagbuhat ng malalaking bagay, maling posisyon sa pag-upo na parang nakakuba, nagkaka-edad na o arthritis o kaya ay sobra sa timbang ang isang tao.
Halos lahat ng tao ay nakararanas ng sakit ng likod at kahit balakang subalit, ito ay mas nararamdaman pagtuntong ng edad 40 pataas. Mas maaga itong nararamdaman ng mga taong may scoliosis o problema sa likod, obese o sobra sa timbang at sa mga hindi nag-eehersisyo.
Makatutulong ang mga sumusunod na tips:
- Iwasan ang magbuhat ng mabibigat o kaya naman ay huwag yuyuko kapag magbubuhat ng isang bagay. Mag-squat o panatilihing ideretso ang likod sa paghubat ng mabigat na bagay.
- Makatutulong ang pag-ehersisyo, kung masakit ang likod, hintaying mawala ito bago magsimulang mag-ehersisyo.
- Kung sobra naman sa timbang ay kailangang magpapayat.
- Umupo ng deretso at hindi nakakurba. Huwag uupo ng matagal dahil nakapapagod lalo na kung nakapirme lang sa isang puwesto at ganun din sa pagtayo.
- Hindi dapat mahiga sa sobrang lambot na kutson kung saan ay nakalundo na ang inyong likod, huwag din sa papag dahil sobrang tigas nito.
Kung masakit ang likod, huwag itong hilutin o padaganan baka lalo lamang magkapilay, maaaring lagyan ng warm compress sa likod at uminom ng pain reliever.
mula sa SABI NI DOC SHANE LUDOVICE, BULGAR
Comments
Post a Comment