Mas madalas magkapigsa ( BOILS) ang isang taong nakatira sa mainit na lugar, dahil laging pawisin ito lalo na kapag madumi pa ang paligid. Kahit sino ay maaaring magkapigsa, subalit mas madalas itong makita sa mga maruruming katawan, sa mga matataba, may diabetes pati na sa mga pasyenteng may matagal ng karamdaman.
Paano ito ginagamot?
Paano ito ginagamot?
- Makatutulong ang paglagay ng warm compress sa pigsa para ito ay mahinog at lumabas ang nana.
- Iwasang tirisin ito lalo na kung hindi pa ito hinog.
- Sa mga may malalaking pigsa at sa maraming pigsa, mainam ang pag-inom ng antibiotic ( cloxacillin 3 x a day) , 7 - 14 days hanggang ang pigsa ay umimpis.
- Maligo araw-araw at panatilihing malinis ang katawan, gumamit ng anti-bacterial soap sa pagligo.
mula sa bulgar.com.ph, Sabi ni Dok
Comments
Post a Comment