Skip to main content

Work Tips: Paano Ma Enjoy Ang Trabaho




PARANG lalo yatang nakakabagabag ang araw-araw na balita na 'di gumaganda ang takbo ng ekonomiya.Hindi matiyak kung may pag-asa pa ang mga empleyado na makaahon sa kanilang kabuhayan dahil mababa ang sahod at kung minsan ay nagbabawas ng tao ang isang kumpanya, nababawasan na rin ang mga benepisyo at iba't-ibang kailangan ng mga trabahador.'Ika nga, sabi ng mga eksperto, paminsan-minsan, dapat ang kumpanya ay nagbibigay ng gantimpala at mabubuting salita sa kanilang mga tauhan upang sumipag ang mga ito sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng sapat na motibasyon sa kabila ng hindi maayos na ekonomiya.

1. DIREKTANG POKUS. Ang pagrereklamo hinggil sa ekonomiya o ang kumpanya ay 'di nakagaganda sa pakiramdam ng isang empleyado at 'di nakasisigla ng kanilang espiritu sa pagtatrabaho. Sa halip, direkta ang kanilang pokus kung paano sila magtatrabaho at kung paano sila magtrabaho upang maabot nila ang layunin at mapunuan ang kanilang obligasyon.

2. MAGING MATAPAT. Hindi ka man transparent sa kanila, pero maging matapat ka hinggil sa kalagayan ng kumpanya lalo na kung umuunlad o nalulugi na ito. May karapatan ang bawat empleyado na malaman at dapat na updated sila sa anumang sirkumstansya o kalagayan ng kumpanya lalo na kung direkta silang apektado. Gayunman, sa halip na isa-isahin ang katotohanan na ang isang negosyo ay hindi maganda ang takbo, direktang ituon sa integridad ng kumpanya at kung paanong ang procedure at proseso ay mapag-iibayo at maging episyente sa panahon ng taghirap.

3. ITURING SILANG ISANG PAMILYA. Suportahan ang anumang social clubs na kanilang itataguyod, intramural sports teams at iba ang aktibidad na lalahukan ng mga empleyado upang lumakas ang relasyon at hikayatin sila na magtulungan at pagtiwalaan ang bawat isa.

4. IPAKITA ANG KATAPATAN. Kung ang kumpanya ay nasa balag na ng layoffs, pag-usapan sa iba't-ibang departamento at paraan ng mga empleyado na maaaring maiwasan. Sa pagbibigay ng oportunidad, lahat ng empleyado ay may kani-kaniyang kakayahan na mapanatiling maayos at mapagbuti ang trabaho.

5. PAKINGGAN ANG HINAING NG MGA EMPLEYADO. Magkaroon ng pagtatanong sa mga empleyado hinggil sa kanilang trabaho. Bukod sa pangangailangan sa salapi, tanungin sila kung paano pa nila mapapabuti ang kanilang trabaho at kung ano ang hindi nila gusto sa naturang trabaho. Isulat na lamang ito sa isang papel at hindi na pangangalanan at prangkang magbigay ng feedback upang umibayo ang kumpanya at ganahan sila sa pagtatrabaho.

6. MAGKAROON NG OPEN DOOR POLICY. Kailangang pakinggan silang mabuti pagdating sa mga reklamo, mga katanungan at malasakit ng empleyado. Walang sinuman ang nais na magtrabaho sa isang tao na ramdam nilang hindi sila nauunawaan at ang pinakamasama pa ay walang pakialam.

7. MAGDAOS NG TAUNANG X-MAS PARTY. Noong mga nakaraan, nabalitaan natin na halos ang ibang kumpanya ay hindi na nagdaraos ng Christmas Party dahil sa pagtitipid. Kapag ginawa ito, naghahatid ito ng pagkadismaya sa empleyado at iisipin nila na wala nang patutunguhan ang lahat ng ito. Maraming paraan para makatipid ng pera nang hindi kailangang magkansela ng anuman, halimbawa, puwede namang idaos ang party sa mismong opisina o isang recreational center kung saan puwedeng atasan ang mga empleyado na mag-contribute ng kanilang paboritong pagkain. Sa bahay o sa anumang recreational center.

8. BIGYAN SILA NG EKSTRANG ORAS NA MAKAPAG-OFF. Hindi mo man mabigyan ang iyong mga empleyado ng dagdag na sahod at bonuses, bigyan sila ng ekstrang araw na makapag-off nang hindi nababawasan ang bayad sa araw na iyon. Payagan sila na ilang ekstrang araw na bakasyon o payagan sila na mag-off matapos mag stress sa isang mabigat na trabaho. Hindi naman direktang bibigyan mo ng pera ang empleyado para maramdaman nila ang kaginhawaan.

9. LIBRENG TANGHALIAN. Konsiderahin ang pagbibigay ng libreng tanghalian kahit isang beses sa isang linggo. Iyong isang simple at mura lamang na parang kanin at gulay para madama nila ang importansya ng teamwork.

- (Bulgar) ni Nympha Miano - Ang


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah