Skip to main content

Call Center Job: Tips Para Matanggap Sa Convergys




Tips Para Matanggap Sa Call Center Kahit Di Magaling Mag-English Isa sa mga naisulat ko sa mga nagdaan ay ang Tips Kung Paano Matanggap Sa Call Center Company. Ngayon, ito na ang iyong pagkakataon para gamitin ang Tips na iyong natutunan sa amin mga katoto. We are inviting you to join one of the biggest and best BPO companies in the Philippines, Convergys.

Hanap nila ay tulad mong may good interpersonal skills, computer savvy, keyboarding skill at may good communication skills.

Tips Para Matanggap Sa Convergys

1. Unang ipakita sa resume ang iyong mga strong points. Wala ka bang experience pero ikaw ay nakapagtapos sa kolehiyo? Makabubuting una mo itong ilahad. At kung mayroon kang mga seminar o training na napuntahan na may kinalaman sa call center jobs. Ipakita mo rin ito. Gumamit ka ng legal size na bondpaper para sa iyong resume at kung maaari ay pagkasiyahin mo lang ito sa iisang papel. Makabubuti rin na colored ang print nang iyong letrato o hindi photocopied. This will give the impression that you put them on your first list than other else. Na una mo silang pinuntahan at pinagkatiwalaan para sa iyong kinabukasan.

2. Magbihis ng business casual attire para sa iyong interview. Avoid wearing revealing outfits, jeans and sports wears. First impression should always be a good impression.Sa uri pa lang nang damit na iyong sinusuot ay mababasa na ng iyong interviewer ang iyong interes na matanggap sa trabaho.

from google image for illustration purposes only

from google image for illustration purposes only
3. Ito ang ilan sa mga exam na maaari mong pagdaan bago ka makarating sa initial and final interview: call simulation, english comprehension, emailing, typing test

4. Sa initial interview, ipakita mo sa kanila na bibo ka at hindi iyung parang kinabisado mo lang ang sagot mo. Express yourself confidently. Hindi naman kahalagahan kung may defect ang iyong diction and pronunciation.Ang mas importante ay makita nilang mayroon ka nung tinatawag na general adaptability o iyung kakayahan na maka-survive sa iba't ibang kultura gaya ng sa call center company. Show them your social intelligence, kaya mong makipag-usap sa iba't ibang uri nang tao ano man siya, sino man siya at kung ano man ang katayuan niya sa buhay.

5. At ang panghuli, maging positibo. Ito ang magdadala sa iyo ng tagumpay.

Ilan Pa Sa Mga Requirement:

Ang aplikante ay kailangan 18 years old pataas.
Nakatungtong sa kolehiyo ( at least 3rd year college )

Bookmark and Share



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...