Freelancer ka ba? Ito ang ilan sa mga patok na trabaho na pwede mong pagkakitaan sa Pilipinas.
from google image for illustration only |
Translator From Home
Pwedeng-pwede kang maging isang translator habang ikaw ay nasa bahay. Maraming mga employer ang naghahanap ngayon ng mga freelance translator na kayang-kaya mong gawin online. Madalas mga website, articles at subtitle para sa mga pelikula ang iyong gagawin. Kailangan lamang ay marami kang alam na iba pang language bukod sa Tagalog partikular na ang salitang ingles.
Freelance Writing
Hindi na lang sa mga tabloid o newspaper maaari kang kumita bilang manunulat dahil pwede mo na ring subukan ang magsulat ng mga artikulo online. Maraming mga website ang naghahanap ngayon ng mga writers tulad ng Squidoo, Triond, Hubpages at marami pang iba. O ikaw mismo ay subukan mong magkaroon ng sarili mong website o blog at kumita mula sa mga patalastas gaya ng google adsense, nuffnang, infolinks atbp.
Real Estate Marketing Consultant/Agent
Kung mayroon kang selling skills at malawak ang kaalaman mo sa real estate business. Patok na trabaho para sa tulad mong freelancer ang maging ahente ng real estate. Patuloy sa paglago ang negosyong ito dahil patuloy ang demand. Malaki ang market lalo na't marami kang koneksyon sa mga negosyante at propesyonal.
Food Cart Franchise Consultant
Aba'y patok nga ngayon na negosyo sa Pilipinas ang food cart kaya naman hanap rin ang mga freelance food cart franchise consultant ngayon. Maging maalam lang sa produkto at serbisyong iyong iaalok at palakihin ang iyong network ay tiyak na asenso ka rito.
Event Coordinator
Matagal na ito pero patok pa rin na freelance job lalo na't kung ubod ka ng creative sa pagco-conceptualize ng mga party at events. Pwede kang makipag-tie up sa mga kilalang restaurant o bar para mas malaki ang kita mo.
Graphic Artist
Talento sa pagguhit at malawak na imahinasyon, iyan ang mayroon ang isang graphic artist na isa pa rin sa mga patok na freelance job sa Pilipinas.
O hayan, dito sa Pilipinas hindi pwedeng hindi ka kikita basta't may sipag at tiyaga ka pati na rin diskarte sa buhay. Maraming oportunidad na ang kailangan mo lang ay kumilos at hanapin ito.
Freelance jobs ba ang hanap mo? klik mo dito
Comments
Post a Comment