Skip to main content

Keyboarding Practice: Tips Para Bumilis Mag-Type



Ito ay email mula kay My Binondo Girl na humihingi ng payo tungkol sa Keyboarding Practice 

Maraming beses po akong hindi matanggap tanggap sa call center dahil po sa mabagal po akong mag type gamit ang pc keyboard. Iyun po pala ang isa sa mga requirement nila para makapasa. Dapat po kasi ay at least 30 words per minute o mataas pa ang makuha score. What should I do to increase my speed and accuracy on keyboarding? Any tips Katoto. Thanks

Keyboarding Practice
Tips Para Bumilis MagType at Maperpekto Ito

Maraming salamat My Binondo Girl sa iyong pagtangkilik. Tama ka, isang malaking factor para matanggap ka sa call center ang Typing Skill bukod sa dapat ay magaling ka rin sa komunikasyon sa wikang ingles. Ang trabaho kasing ito ay nangangailangan ng multi-tasking ability. Halimbawa: habang nagbibigay ng detalye ang iyong customer ay kailangan nai-ta type mo na ang mahahalagang impormasyon na kanyang ibinigay para maresolbahan mo ang kanyang inquiry. 

Mga katoto, ito ang ilang paraan para matutong maperpekto ang mabilis na pag ta-type sa pc keyboard

Mayroong specific arrangement ang mga daliri sa pc keyboard para makapag-type ng mabilis at tama. Para sa practice ay huwag mong tignan ang keyboard habang nagta-type kundi sa monitor o screen lamang. Subukan ding takpan ng dyaryo o anumang pang cover ang keyboard habang nakalapat ang iyong mga daliri sa keys. 

Ito ang larawan ng tamang arrangement ng mga daliri sa keyboard. 

from google image for illustration only


Makakatulong din ang ilan sa mga website na nag-offer ng free typing test gaya ng typingtest.com. Dito masusukat at ma momonitor mo ang iyong speed at accuracy. Maiging nakikita mo ang iyung score para malaman mo ang iyong improvement. Subukan mo muna ang easy round patungo sa mas advance na skill test. Madalas na gamitin din ng mga call center industry ang online typing test para makita ang iyung typing skills. 

At mayroon din namang mga tutorial centers na makatutulong ma-improve ang iyong typing skills. Kung may panahon at budget para rito ay subukan mong mag-enroll. Maiging may instructor ka na gagabay sa'yo at mag mo monitor sa iyong progreso para mabilis kang matuto. 

Malaking bagay nga ang dunong sa keyboarding at tanging practice ang kailangan para maging mabilis at magawa ito ng perperkto. Maraming oportunidad ang naghihintay sa mga marunong sa keyboarding hindi lang sa call center industry na talaga namang nangungunang trabaho sa pinas. Mayroon ding mga freelance job online na naghahanap ng mga typist, data entry workers, translators at iba pa na pwede mong pagkakitaan. 

Like this keyboarding practice tips? Like us on facebook


Comments

  1. panu po kung mahusay naman sa pag eenglish pero mejo mabagal lang sa typing?may pag asa pa po ba makapasok sa callcenter?

    tnx!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...