Skip to main content

Job Hunt: Tips Para Matanggap Sa Call Center



Wala na nang duda na ang maging Call Center Agent ang  isa sa pinaka-pinapangarap na trabaho ngayon ng mga pinoy lalo na ng mga kabataan. Bukod sa malaking sweldo at mga incentives, mabilis din ang promotion sa mga BPO/call center company.

Pero hindi naman lahat pinapalad makapasok sa industriya na ito, aminin man natin o hindi kahit pa tayo ay naturuan ng English Language mula pa nung tayo ay nasa elementarya ay malaki pa rin ang porsyento ng mga pinoy na alam ang ingles pero hindi bihasa sa lengwahe na ito.

Ngunit ito nga ba ang sukatan para matanggap ka sa call center company o may mas may paraan pa para makamit ang inaasam na trabaho na ito. Ito ang aking tips para tiyak na matanggap ka sa call center company. Pero bago iyan, alamin mo muna ang kalimitang hiring process ng mga call center company.

Tulad ng sa call center company kung saan ako unang nakapagtrabaho ay kinakailangan na maipasa mo ang initial interview, susunod ang Call Simulation Exam kung saan susubukin kung ano ang pag-uugali mo kung ikaw ay nasa customer service job, pagkatapos ang Typing Skills/Test na susukat sa kakayahan mong magtype ng mabilis (30wpm or above). Kung maipasa mo ang mga ito, you will be given a schedule for your final interview. 





Ano ba ang kadalasang pagkakaiba ng initial interview at final interview sa Call Center Company?

Magaan na mga tanong lamang ang meron sa initial interview tulad nang "Can you tell me something about yourself?", "How much is your expected salary?", "Are you willing to be assigned in a shifting schedule or in graveyard shift?" atbp.

Kung minsan sa initial interview rin sinusukat ang iyong vocabulary at grammar. Limited ba ito o your eloquent enough to express your thoughts in English.

Sa final interview, isipin mo na lang na kung naipasa mo ang initial interview ay tiyak na maipapasa mo rin ito. Maging bibo ka sa pagsagot at huwag mong kabisaduhin ang iyong mga sasabihin. Believe it or not, the interviewer will notice if your thinking in english or just purely speaking in English. Magkaiba iyon.

Ngayong alam mo na ang proseso, ito ang ilan sa mga dapat mong paghandaang maigi. Huwag kang sasabak sa isang giyera na wala kang sandata.

Ito na ang mga tips para mapabilib mo ang HR manager ng kahit anong call center company sa Pilipinas:

1. Practice makes things perfect. Paulit-ulit mo man itong naririnig na, ito pa rin ang makakatulong sa iyo para matanggap ka sa call center. Maglaan ka nang oras para ma-enhance ang iyong multi-tasking ability (kasama rito ang typing at listening skills )at syempre ang reading and comprehension. Makakatulong sa iyo ang pagbabasa ng mga blogs sa internet, news and current events, listening to interviews and watching youtube videos about how american speaks and how you can learn it. Totoong hindi mo matutunan ang mga ito nang mabilisan, ang mahalaga lang naman ay pinaghandaan mo ang dapat.

2. Matuto kang gumawa ng isang komprehensibong resume, huwag mong subukan na magpasa ng resume na mukhang pinagawa mo lang sa iba. Unahin mong ilahad roon ang iyong mga kagalingan at mga achievements na may kinalaman sa pagiging call center agent. Halimbawa kung undergraduate ka ngunit kumuha ka naman ng call center training, bakit hindi mo unahing ipakita ang huling nabanggit. Make your resume impressive by showing first your strong points. Sa kabilang banda, mas maigi ring isubmit ang isang one page resume in legal size paper kaysa sa resume na pinilit mo lang pahabain.

3. At ang madalas na katanungan ng lahat, mahalaga bang fluent ka nang mag-english para matanggap sa call center? Well, this can be your edge to other applicants. Pero higit pa run at ang mas mahalaga sa lahat ay ang iyong self-confidence. Tiwala sa sarili ang magbibigay sa iyo ng trabaho sa call center. Totoo, na kung makita kang may potential ay maaari ka nilang bigyan ng free trainings at take note, may allowance ka pa.

Ang mga call center agent

Maraming nagsasabi na ang mga nagtatrabaho sa call center ay mga tamad at walang alam. Nagkakamali sila, alam ko, dahil nakapagtrabaho rin ako sa mga call center company sa loob ng higit limang taon. At masasabi kong nakatulong ng malaki ito sa lahat ng aspeto ng aking buhay. Nonetheless, if you think that this job is just your stepping stone to a better career path, then go ahead. Tama ang desisyon mo, dahil sa call center, maraming kaalaman ang iyong matutunan na tiyak na magiging lamang mo sa iba.

Bookmark and Share



Comments

  1. kaka-miss ano? babalik ako dyan...but for now, aral muna ako.

    ReplyDelete
  2. my problem is hindi ako fluent sa english,isa pa meron akong kunting accent na cebuano kasi laking bisaya po ako pero gusto ko rin talga itry ang call center..panu na kaya eto?

    ReplyDelete
  3. mang jose, self confidence lang po ang kailangan sa buhay, kaya mo yan katoto :)

    ReplyDelete
  4. Pwede po ba ang mga hindi po nakapag college pero nakagraduate naman po ng high school?

    ReplyDelete
  5. thank you... sana makatulong ang mga tips mo... :)

    ReplyDelete
  6. nag apply ko tinanong ng interviewer pwde ka ba sa night ship and overtime sabi ko yes mam pinapirma pa ko sa maliit n paper at pagkatapos sabi tawagan na lng daw nila ako,,,inisip ko hindi ko nkaya.

    ReplyDelete
  7. Guys help naman po. Gusto ko dn po kasi mg call c. Kaso parang hindiko kaya. Under grad po ako 2 years course.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah