Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2011

Gingivitis: Tips Para Sa Mga May Sakit Sa Gilagid

Lagi bang namamaga at dumudugo ang iyong gilagid? Kung gayon ikaw ay mayroong gingivitis . Ito kasi ang mga sintomas ng taong may sakit na ganito, pagdurugo at pananakit ng gilagid na kung kadalasa'y nangyayari pagkaraang magsipilyo. Ano ba ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit na gingivitis o sakit sa gilagid? Bacteria po ang sagot, na namumuo sa ngipin na kung tawagin ay plaque. Ito ay matigas na tulad ng sa sementong kumakapit sa ngipin. Kung ito ay hindi kayang alisin sa pamamagitan ng pagsisipilyo, dudurugin nito ang sugar pati ang starch sa pagkain at magdudulot ng acids na siya namang sisira sa enamel. At heto pa, alam ninyo ba na ang kadalasang resulta ng pagkasira ng ating ngipin ay hindi dahil sa pagkabulok nito kundi dahil sa gingivitis. Nagkakaroon ng gradual build up ng plaque kapag dumugo ang ngipin habang nagsisipilyo. Ito ay isang palatandaan na ikaw ay kulang sa bitamina C. Maaaring mauwi sa sakit na periodontitis ang mga taong may sakit sa gilagid kapag...

Driving: Tips Para Hindi Uminit Ang Ulo Sa Pagmamaneho

Sa dami ng mga aksidente ngayon sa kalsada bukod sa kinakailangan mong mag-ingat ay maigi rin na matuto kang ayusin ang iyong mood habang ikaw ay nagmamaneho. Dahil ang mood mo ang nagiging sanhi minsan na mag-overtake,humarurot,murahin ang kapwa driver atbp. Dapat cool ka lang, ito ang mga tips para hindi uminit ang ulo habang nagmamaneho: 1. Alamin ang mga sagabal sa trapiko. Bigyang pansin ang oras, umalis ng mas maaga kung may lakad ka o la-appointment, sa pamamagitan nito ay maiiwasan mo ang magmadali. Hindi ba't naiinis ka kapag hindi mo inaasahan ang trapik sa kalsada? Kung maaga ka sanang umalis sa inyo, walang dahilan para ikaw ay magmadali. Tiyak na kahit trapik pa, ay mababawasan na ang inis mo sa trapik. 2. Palaging maging updated, manood o makinig ng mga balita dahil ito ang magbibigay sa iyo nang paunang impormasyon tungkol sa mga saradong daan, trapik, o mga lugar na dapat iwasan. 3. Makakatulong rin sa iyo ang pakikinig ng mga inspirational teaching cd...

Ipad Screen Protector: Paraan Ng Pagkabit

Ikaw na ang may iPAd ! At para lalo mo pang ma-enjoy ay kailangan mo itong ingatan lalo na ang screen nito na talaga namang takaw sa gasgas lalo na kung wala itong protector. May mga shop sa mall na nagtitinda ng screen protector na sila na ang magkakabit para sa iyo ngunit mas mura mong mabibili ito kung ikaw mismo ang maglalagay. Kung mapili mo ang huli, ito ang mga simpleng paraan para sa pagkabit ng screen protector sa inyong iPad. 1. Maiging i-turn off mo muna ang iPad upang hindi mo mapindot ang hindi dapat lalo na 'yung mga functionality na hindi ka pa maalam gamitin. 2. Kailangan mong gumamit ng micro fiber cloth para alisin muna ang mga alikabok bago mo ilatag ang screen protector dahil kung hindi ang naipon na alikabok na hindi mo inalis ay maaaring makagasgas din, balewala ang screen protector mo. Tiyaking malinis muna ito, bago maglagay. Basain mo ng kaunti ang micro fiber cloth, 'yung tama lang para maalis ang alikabok. 3. Malinis na, susunod mo nang...

Riot: Paraan Para Makaligtas Sa Mga Nagbabarilan O Nag-aamok

Hindi pa man ako nakararanas na maipit sa gulo tulad ng barilan o pag-aamok, ay maigi nang maging handa ako sa mga insidente gaya nito upang ako ay maligtas. Kaya naman, nais ko ring ibahagi sa iyo ang aking mga natutunan sa araw na ito kung paano ka hindi madadamay sa mga ganitong uri ng pangyayari. Tandaan, kahit hindi man natin gustong mangyari sa ating buhay ang mga ganitong uri ng insidente, mas maigi nang maging handa.  Ito ang mga tips ko sa'yo upang makaligtas sa mga nagbabarilan o nag-aamok: 1. Maging pamilyar ka sa iyong kapaligiran. Sanayin mo ang sarili na alamin kung saan ang pinakamalapit na labasan sa lahat ng oras. Alamin ang mga lokasyon na pwede mong pagtaguan tulad ng kung ikaw ay nasa isang eskwelahan,opisina o gusali. 2. Bago ka tumawag sa emergency hotlines gaya ng 117, hanapin mo muna ang mga paraan kung paano ka maliligtas, maging alisto lalo na't kung ikaw ay nasa panganib na ng barilan. 3. Kung wala nang paraan pa para maghanap ng pagtata...

Money Online: Tips Para Kumita Sa Internet Ang Mga Pinoy

Sa panahon ngayon hindi na kataka-taka pa kung sabihin ng iyong kaibigan na kumikita siya gamit ang internet. Tama, hindi ka niya niloloko. Ang kailangan mo lang ay lawakan ang isip mo para sa mga oportunidad gaya nito. Online Money Making Ang mga ibabahagi ko sa iyong mga online money making ay subok na nang iyong lingkod kaya huwag matakot salihan ang mga ito. Isa pa wala ka namang dapat bayaran. Tama po, lahat ito ay libreng salihan kaya naman ang kita mo rito ay free money. Hala sige! ito ang ilan sa mga tips ko sa'yo katoto kung paano kumita ang Pinoy na gaya natin gamit ang internet. Buy and Sell Cellphone Eloads via Online Pwede kang magbenta ng load gamit ang internet. Maaari mong salihan ng libre ang LOAD - isang internet based eloading service para sa mga Pinoy. Sa pamamagitan ng sistema ng LOAD ay madali ka nang makakabili ng sarili mong load at syempre pa ay makapagbenta. Kung may tindahan ka o isang internet shop owner ay magandang idagdag mo ito b...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...

Business Tips: Negosyo Sa Puhunan Na Higit 5000 Pesos

Sa panahon ngayon kahit pa may matatag kang trabaho ay kinakailangan mo ng sumubok rin sa pagnenegosyo para sa magkaroon ng extra na pagkakakitaan. Pero hindi naman ganun kadali ang magsimula ng negosyo dahil na rin kung minsan ang negosyong nais naman nating pasukan ay nangangailangan ng malaking puhunan. Pero syempre, may ilan rin namang mga negosyong tiyak na kaya naman ng iyong bulsa. Kung ikaw ay isang empleyado na kumikita ng minimum wage, ay tiyak na makaka-ipon ka naman siguro ng 5000 pesos o higit pa para makapagsimula ng negosyo. 'Yun eh, kung hindi ka maluho. Saang negosyo ka ba dadalhin ng 5,000 pesos mo. Anong negosyo sa Pinas ang kaya ng ganito ka-limitadong puhunan. Subukan ang mga mababanggit na negosyo sa ibaba: Piso Printing Business Ito ay kung mayroon ka ng printer, computer at internet access sa bahay na pwede mo palang pagkakitaan. Kung mayroon na nga ay kaya na ng 5,000 pesos mo ang mamuhunan para sa mga pagbili ng supplies tulad ng Bondpapers, Ph...