Lagi bang namamaga at dumudugo ang iyong gilagid? Kung gayon ikaw ay mayroong gingivitis. Ito kasi ang mga sintomas ng taong may sakit na ganito, pagdurugo at pananakit ng gilagid na kung kadalasa'y nangyayari pagkaraang magsipilyo.
Ano ba ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit na gingivitis o sakit sa gilagid? Bacteria po ang sagot, na namumuo sa ngipin na kung tawagin ay plaque. Ito ay matigas na tulad ng sa sementong kumakapit sa ngipin. Kung ito ay hindi kayang alisin sa pamamagitan ng pagsisipilyo, dudurugin nito ang sugar pati ang starch sa pagkain at magdudulot ng acids na siya namang sisira sa enamel.
At heto pa, alam ninyo ba na ang kadalasang resulta ng pagkasira ng ating ngipin ay hindi dahil sa pagkabulok nito kundi dahil sa gingivitis.
Nagkakaroon ng gradual build up ng plaque kapag dumugo ang ngipin habang nagsisipilyo. Ito ay isang palatandaan na ikaw ay kulang sa bitamina C. Maaaring mauwi sa sakit na periodontitis ang mga taong may sakit sa gilagid kapag hindi ito nalunasan kaagad.
Ito ang tips para sa mga may sakit na gingivitis:
- Gawing regular ang pagsisipilyo at pagpo-floss, ito ay nakakatulong upang hindi mamaga ang gilagid.
- Ugaliing kumain ng mga prutas at gulay upang magkaroon ng ngipin na malusog.
Ipaalam mo ito sa iyong kaibigan, i-like at i-tweet ang pahinang ito katoto. Tips Para Sa Mga May Gingivitis.
SUKA (VINEGAR) MAY LUNAS TALAGA JUST GARGLE IT TO 5 MINUTES EVERY DAY.
ReplyDelete