Ikaw na ang may iPAd! At para lalo mo pang ma-enjoy ay kailangan mo itong ingatan lalo na ang screen nito na talaga namang takaw sa gasgas lalo na kung wala itong protector. May mga shop sa mall na nagtitinda ng screen protector na sila na ang magkakabit para sa iyo ngunit mas mura mong mabibili ito kung ikaw mismo ang maglalagay. Kung mapili mo ang huli, ito ang mga simpleng paraan para sa pagkabit ng screen protector sa inyong iPad.
1. Maiging i-turn off mo muna ang iPad upang hindi mo mapindot ang hindi dapat lalo na 'yung mga functionality na hindi ka pa maalam gamitin.
2. Kailangan mong gumamit ng micro fiber cloth para alisin muna ang mga alikabok bago mo ilatag ang screen protector dahil kung hindi ang naipon na alikabok na hindi mo inalis ay maaaring makagasgas din, balewala ang screen protector mo. Tiyaking malinis muna ito, bago maglagay. Basain mo ng kaunti ang micro fiber cloth, 'yung tama lang para maalis ang alikabok.
3. Malinis na, susunod mo nang ilapat ang screen protector, tiyaking tamang tama lang sa sukat ng iyong iPad ang ilalagay, tignan ang mga butas at gilid, kung sakto na sa tantya mo, ilagay na.
4. Para maiwasan ang "bubbling" huwag mong hayaang pasukan ng hangin ang loob. Gamitin ang mga daliri sa paglalapat at pagpapatag. Simulan mo muna sa isang parte, pwedeng mula sa taas pababa.
5. Dahan-dahan lang ang paglagay o huwag mong biglain 'pagkat hindi madali ang magsimula uli sa umpisa kapag nagkamali ka ng lagay. Maging pasensosyo lang at tiyak na may magandang resulta ang ginagawa mo.
O hayan! Sana'y kapag nagkita tayo, pahiramin mo ako ng iPad mo. Biro lang. O sige, ito na lang, pa-like at pa-tweet na lang ng post na ito upang mabasa rin ng iyung mga kaibigan. Salamat mga katoto.
Comments
Post a Comment