Sa panahon ngayon hindi na kataka-taka pa kung sabihin ng iyong kaibigan na kumikita siya gamit ang internet. Tama, hindi ka niya niloloko. Ang kailangan mo lang ay lawakan ang isip mo para sa mga oportunidad gaya nito.
Online Money Making
Ang mga ibabahagi ko sa iyong mga online money making ay subok na nang iyong lingkod kaya huwag matakot salihan ang mga ito. Isa pa wala ka namang dapat bayaran. Tama po, lahat ito ay libreng salihan kaya naman ang kita mo rito ay free money. Hala sige! ito ang ilan sa mga tips ko sa'yo katoto kung paano kumita ang Pinoy na gaya natin gamit ang internet.
Buy and Sell Cellphone Eloads via Online
Sell Products via Online Classified Ads
Make Money From Blogging
Buy and Sell Cellphone Eloads via Online
Pwede kang magbenta ng load gamit ang internet. Maaari mong salihan ng libre ang LOAD- isang internet based eloading service para sa mga Pinoy. Sa pamamagitan ng sistema ng LOAD ay madali ka nang makakabili ng sarili mong load at syempre pa ay makapagbenta. Kung may tindahan ka o isang internet shop owner ay magandang idagdag mo ito bilang serbisyo para sa iyong mga kustomer. Kagandahan pa nito, hindi lang mga electronic loads ang pwede mong maibenta, halos lahat din ng game cards, internet cards ay mayroon sa LOAD.
Sell Products via Online Classified Ads
Kung nais mo namang magbenta ng sarili mong mga produkto gaya ng mga damit,gadget,laruan,pagkain o di kaya nama'y isa kang freelancer na naghahanap ng kliyente, isang magandang paraan ang pag-aadvertise para makilala ka pati ang kung anong iyong inaalok. Isa sa mga subok at epektibong ad marketplace ngayon para sa mga Pinoy online seller ang sulit.
Make Money From Blogging
Kung may hilig ka naman sa pagsusulat, pwedeng-pwede mo rin iyang pagkakitaan. Maaari kang magsimula sa blogging (blogspot.com o weebly.com) o di kaya nama'y sumali sa mga article publishing website na nagbabayad sa mga taong nais magbahagi ng kanilang nalalaman. Ito ang ilan sa mga pwede mong salihan: Triond.com,Squidoo.com,at Wikinut.com- dolyar pa ang bayad sa iyo.
Be An Online Freelancer
Be An Online Freelancer
Marunong ka bang gumawa ng ebooks? May talento ka bang gumamit ng photoshop? May alam ka ba sa telemarketing,customer service,data entry work o di kaya nama'y naghahanap ka ng mga taong nais mong gunawa ng mga ito para sa'yo. Pwede ka nang magtrabaho online bilang isang online freelancer dito sa Pinas. Isa sa mga website na pwede mong puntahan para kumita ka ay ang freelancer.com.ph. Sa blog na ito makikita mo sa gilid gawing kaliwa ang iba pang mga trabahong mayroon sa website na iyun. Iklik mo lang kung ano mang sa tingin mo ay kayang-kaya mong gawin.
Marami pa akong tips para kumita ka at iba pang Pinoy gaya natin gamit ang internet pero ito na lang muna sa ngayon. Asahan mong kapag mayroon pa akong nalamang bagong pagkakakitaan ay ibabahagi ko sa'yo. May gusto ka pang itanong o may gustong ibahagi sa amin? Huwag mahiyang magkomento.
Hayaan mong malaman ng iyong mga kaibigan ang tungkol dito sa pamamagitan ng pagtweet at paglike ng post na ito. Gamitin ang mga button na makikita sa itaas o ibabang bahagi ng blog na ito katoto.
Maaari ring pagkakitaan: Tutoring Business at Paraan Para Simulan
Maaari ring pagkakitaan: Tutoring Business at Paraan Para Simulan
Comments
Post a Comment