Skip to main content

Driving: Tips Para Hindi Uminit Ang Ulo Sa Pagmamaneho



Sa dami ng mga aksidente ngayon sa kalsada bukod sa kinakailangan mong mag-ingat ay maigi rin na matuto kang ayusin ang iyong mood habang ikaw ay nagmamaneho. Dahil ang mood mo ang nagiging sanhi minsan na mag-overtake,humarurot,murahin ang kapwa driver atbp. Dapat cool ka lang, ito ang mga tips para hindi uminit ang ulo habang nagmamaneho:



1. Alamin ang mga sagabal sa trapiko. Bigyang pansin ang oras, umalis ng mas maaga kung may lakad ka o la-appointment, sa pamamagitan nito ay maiiwasan mo ang magmadali. Hindi ba't naiinis ka kapag hindi mo inaasahan ang trapik sa kalsada? Kung maaga ka sanang umalis sa inyo, walang dahilan para ikaw ay magmadali. Tiyak na kahit trapik pa, ay mababawasan na ang inis mo sa trapik.

2. Palaging maging updated, manood o makinig ng mga balita dahil ito ang magbibigay sa iyo nang paunang impormasyon tungkol sa mga saradong daan, trapik, o mga lugar na dapat iwasan.

3. Makakatulong rin sa iyo ang pakikinig ng mga inspirational teaching cd tulad ng kina Joyce Meyers at Tony Robbins. Tumutulong ang mga ito upang iangat ang iyong espirituwal.

4. Maging positibo sa lahat ng oras, maiiwasan mong magalit sa iba pang driver kung ang parati mong nasa isip ay mga bagay na nagbibigay sa iyo ng saya o galak, tagumpay at inspirasyon.

5. Maging mapagbigay. Kung wala ka namang importanteng lakad ay hindi mo naman kailangang sumingit o humarurot. Maaaring may mga taong mas may mahalagang appointment kaysa sa'yo kaya sila nagmamadali. Hindi mo dapat isiping ang pagmamaneho sa kalsada ay isang race competition. Maging responsable palagi.

Isa na nga sa pinakamatensyon na sitwasyon ang araw-araw na pagmamaneho. Kaya maiging sa mga oras na ikaw ay nasa ganitong sitwasyon ay palaging mag-isip ng mga paraan para hindi uminit ang iyong ulo. Ang mga tips na ito ay malaking tulong sa iyo at maging sa iyong mga kaibigan kaya maiging i-share,i-tweet,at i-like mo ang post na ito para mabasa ng iba.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...