Skip to main content

Business Tips: Negosyo Sa Puhunan Na Higit 5000 Pesos

Sa panahon ngayon kahit pa may matatag kang trabaho ay kinakailangan mo ng sumubok rin sa pagnenegosyo para sa magkaroon ng extra na pagkakakitaan. Pero hindi naman ganun kadali ang magsimula ng negosyo dahil na rin kung minsan ang negosyong nais naman nating pasukan ay nangangailangan ng malaking puhunan.

Pero syempre, may ilan rin namang mga negosyong tiyak na kaya naman ng iyong bulsa. Kung ikaw ay isang empleyado na kumikita ng minimum wage, ay tiyak na makaka-ipon ka naman siguro ng 5000 pesos o higit pa para makapagsimula ng negosyo. 'Yun eh, kung hindi ka maluho.

Saang negosyo ka ba dadalhin ng 5,000 pesos mo. Anong negosyo sa Pinas ang kaya ng ganito ka-limitadong puhunan. Subukan ang mga mababanggit na negosyo sa ibaba:

Piso Printing Business

Ito ay kung mayroon ka ng printer, computer at internet access sa bahay na pwede mo palang pagkakitaan. Kung mayroon na nga ay kaya na ng 5,000 pesos mo ang mamuhunan para sa mga pagbili ng supplies tulad ng Bondpapers, Photo papers, at iba pang uri ng papel na pwedeng gawing calling card, invitation card at iba pa. Pasok na rin sa 5,000 pesos na puhunan mo ang pagpapa-convert ng iyong printer para maging CISS ito. Kung ang bahay mo naman ay malapit sa lugar na matao, hindi mo na kailangan ng pwesto pa sa pagsisimula. Saka na siguro kung makita mong nagki-klik na ito.

E-loading Station

Kahit sinong Pinoy naman, mapa-employed o tambay may cellphone at tiyak na magpapa-load 'yan sa'yo. Kaya kung ako sa 5,000 pesos mo, gawin mo na itong puhunan para bumili ng retail sims o di kaya'y magpa-rehistro sa mga One Sim Load All na kompanya tulad ng Load Central, Telepreneur, Load.com.ph atbp.

Personalized Item Shop



Tutal ikaw 'yung tipo ng tao na mahilig sa art, pwede mong subukan ang negosyong ito. Aabot 'yang 5,000 pesos na puhunan mo sa pagbili ng mga materyales na pwedeng i-personalize gaya ng acrylic keychains, phot insert tumblers, acrylic button pins atbp.

I.D Lamination Scan Xerox Services

Mamili ka sa tatlo. Ang mga machine na 'yan ay hindi aabot ng 5,000 pesos kung bibilhin mo ito ng second hand sa mga sikat at libreng online classifieds ads ngayon. Maraming seller ang naglipana sa internet. Basta, ingat lang at huwag magpa-gantso. Kung 'di mo naman trip na bumili ng supply sa mga online sellers. Pwede rin naman sa mga lugar na bagsakan ng mga ganitong machine gaya ng sa Recto,  Divisoria, atbp.

Home-made Pastillas Atbp.

Kung hilig mo naman ang pagluluto. Subukan ang paggawa ng home-made pastillas, yema, pulvoron atbp. Kayang-kaya rin 'yan ng maliit na puhunan. Pwede mong simulan ang pagbebenta nito sa iyong mga ka-opisina o kung techie ka, pwede kang magtayo ng online store mo at ibenta mo ito sa iba't ibang parte ng Pinas.

Negosyo ba kamo sa halagang 5,000 pesos? Heto na ang ilan sa mga iyon kaya subok na.


Comments

  1. I know networking site it is a kind of a pyramid business,as long as you have a capability to talk others this is the best business is right for you! Malaki nag ang kita dito basta tyaga lang.

    sugar

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...