Skip to main content

Tips Sa Paggawa Ng Bamboo Lamp



Isang magandang dekorasyon sa kwarto at nagbibigay ng mumunting liwanag ang isang bamboo lamp. Hindi lang ito nagdaragdag ng ganda sa iyong tahanan dahil puwede mo rin itong pagkakitaan. Ang pagbebenta ng bamboo lamp ay isang magandang negosyo lalo pa’t dito sa Pilipinas ay sagana tayo sa kawayan. Gamit ang iyong crafting skill at pagkamalikhain ay tiyak na magiging patok sa mamimili ang iyong homemade bamboo lamp.

Anu-ano ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng bamboo lamp?

Isang piraso ng 1 pulgadang plywood
Isang piraso ng kawayan
Isang lagari
Isang gamit sa pang-ilaw
Copper weather- stripping na pako
Martilyo at swag

Paano ito gagawin?
  1. Magsimula sa piraso ng 1 pulgadang plywood. Gumamit ng tape measure para gumuhit ng 2 4x4 na parisukat sa dalawang parisukat, gumuhit ng isa pang parisukat sa loob ng orihinal na guhit.
  2. Gamitin ang isa sa mga parisukat, gupitin sa linya gamit ang lagari
  3. Magbarena ng maliliit na butas sa loob ng pangalawang parisukat. Iyong pangalawang parisukat ang siyang magiging tuktok. Ang butas ang siyang maglalabas ng init na mangagaling sa bumbilya.
  4. Sunod ay ilatag ang piraso ng kawayan sa lapag. Ilagay ang dalawang hinating parisukat sa bawat sulok ng piraso.
  5. Ilihis ang kawayan para matakpan ang magkabilang dulong kahoy. I-martilyo ang kawayan sa tamang lugar gamit ang copper-weather stripping nails. Ipagpatuloy ang paglihis sa kawayan sa wood square, pati pagmamartilyo hanggang sa matapos.
  6. Kapag ang mga parisukat ay natakpan na ilagay na ang lighting kit at swag para maibitin na ito sa kisame.
Nais mo bang mag-negosyo? Baka ang pagbebenta ng bamboo lamp ang swerte mo.

Source: Businessdiary


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...