Skip to main content

Tips sa Pagsisimula ng Negosyong Beauty Supply



Sa panahon ngayon, lalake man o babaeng Pinoy ay pareho nang beauty conscious at vain. Kaya naman kung hanap mo ay negosyong patok dito sa Pilipinas ay puwede mong subukan ang pagpapatayo ng beauty supply store.

Napakaraming produkto ang pwede mong ibenta. Pwede kang magsimula sa isang klase ng produkto at kapag kumita na ay pwede mo nang palawakin pa ito sa pagdaragdag ng iba pang beauty product.

Puwede kang magsimula ng sarili mong beauty supply store. Ang mga produktong pwede mong ihanda ay make-up, facial cream, anti-aging products, lotions at pabango. Basta’t may kinalaman sa pagpapaganda ay pwede mo itong idagdag sa iyong supply.

Sa pagsisimula pwede kang makipag-tie up sa mga beauty manufacturers. Ang mga ito ay nagsusupply ng maramihan o dami ng supply ayon sa inyong napagkasunduan. Dapat ay catchy din ang pangalan ng iyong negosyo para ay brand recall sa tao pagkatapos ay pwede ka ng magbuo ng sarili mong label para sa mga beauty supply na iyong ibebenta. Kadalasan nagbibigay din ng mga catalogue at brochure ang mga manufacturer na iyong gustong ibenta. Puwede mong ibenta sa presyong doble ang mga items.

Rekomendado din na simulan ito ng lima hanggang anim na produkto para madaling i-manage. Pwede kang magsimula sa mga produktong kilala na sa merkado o pwede rin naman iyong sarili mong koleksyon.

Alamin mo rin kung sino ang iyong target market. Mas madali mong malalaman kung anong specific na produkto ang ibebenta mo kapag kilala mo kung anong klase ng customer ang bibili ng mga ito.

Ang susunod mong gagawin ay mag-isip ng marketing strategy. Makatutulong ito sa pagbebenta ng sarili mong produkto. Pwede kang magbuo ng catalogue para maipakita sa iyong mga customer. Sa paraang ito, mas madali silag makapipili ng nais nilang produkto.

Sa pagsisimula at pagbebenta ng sarili mong product line ay isipin mo kung anong produkto ang sa tingin mo ay mabenta dahil ito ay hindi madaling trabaho.

Mahalagang makipag-tie-up ka sa mga manufacturer na nakasisiguro kang nagbebenta ng mga beauty supplies na tiyak ang kalidad.
Source: Business diary


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...