Skip to main content

Posts

Showing posts from 2009

Tips: SIKRETO NG TAGUMPAY

Isang gabi hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa computer shop ko para maghanap ng solusyon sa gumugulo sa isipan ko, binuksan ko ang isa sa mga pc at nagpunta sa site ng google para i-search ang "sikreto ng pagyaman" dahil ito naman talaga ang gumugulo sa akin kong paano yumaman. May isa akong kwento na nakita at nagbigay sa akin ng inspirasyon at konting ngiti na may halong paghanga sa nakaisip nito. ANG AGIMAT NG TAGUMPAY Si Mario at Lito ay matalik na magkaibigan, subalit kung tungkol sa estado ng buhay ng magkaibigan ay malaki ang agwat nila sa isat isa. Si Mario ay isang matagumpay na businessman samantalang si Lito ay isang simpleng mamayaman na gusto gusto ring maging katulad ng kanyang matalik na kaibigan. Isang araw habang magkasama ang dalawa sa isang kapihan nagtanong itong si Lito sa kanyang Kaibigan: "Pare, ano ba ang sikreto mo bakit successful ka" tanong ni Lito "Wala naman,siguro dahil sa agimat na meron ako" Sagot...

Love Tips: Tips Paano Malaman Kung Na Mi Miss Ka Niya

IKAW ba at ang iyong kaibigan, maging ang iyong loveones ay medyo napahiwalay ng lugar? Anuman ang iyong gustong gawin, sundan mo man siya, pero malayo siya, para malaman mo kung miss ka na niya, heto ang mga dapat mong alamin. 1. MAGTANUNG-TANONG . Kayo bang dalawa ay may parehong kaibigan, kung mayroon, sila rin ang puwedeng magsabi sa iyo kung miss ka na niya o kung kinukumusta ka na nang isa. Sa kanila pa lang, malalamahn mo na kung pinagtatanung-tanong ka niya. 2. TANUNGIN ANG HINGGIL SA KANYA . Sa isang simpleng tanong sa mutual friend na gaya ng 'Kumusta siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya? ' Kumusta ang kanyang college work? Dito na ngayon magsisimula ang pangkalahatang pag-uusap hinggil sa naturang tao, kung magagawa ito, basahin ang sumusunod pa. 3. TANUNGIN KUNG NABABANGGIT KA NG NATURANG TAO . Habang ang pag-uusap sa naturang tao ay patuloy, magtanong ng isang bagay gaya ng, 'Binanggit ba niya ako?' Maghintay ng sagot at tumugon...

Diet Tips: Mga Pagkaing Pampadiyeta

1. Mansanas . Ang tamang laki ng mansanas ay binubuo ng 85% ng tubig na mayroong limang gramo ng fiber kabilang na ang pagtataglay nito ng pectin na nagbubunsod sa isang tao upang makaramdam ng pagkabusog at limitahan ang abilidad ng cell upang maka-absorb ng fat. 2. Mani . Hindi pa batid ng mananaliksik ang dahilan ngunit naniniwala ang mga eksperto na ang bawat nakukonsumong mani ay nagbubunsod upang mamantina ng isang tao ang tamang timbang ng kanilang katawan kaysa sa mga hindi kumakain ng mani. 3. Keso . Ang mga babaeng kumukonsumo ng piraso ng full-fat cheese sa araw-araw ay mas malayo sa pagbigat ng timbang, kaysa sa mga mahigpit na kumukonsumo ng tinatawag na low-fat variety. 4. Manok . Ito ay mataas sa protina na humahadlang sa level ng ghrelin – hormone na nagbubunsod sa pagkaramdam ng pagkabusog ng mas matagal kaysa sa pagkonsumo ng ibang pagkain ayon sa pananaliksik. 5. Red beans. Mataas ito sa fiber na nakatutulong upang mabalanse an...

Be Happy: TEKNIK PARA MAPASAYA ANG ARAW NG IBA

NAPAPANSIN mo ba na parang ang mga tao sa paligid mo ay malulungkot? Habang binabasa mo ito, puwedeng sa'yo magsimula ang masayang work environment at gawin mong Masaya ang lahat, sila man ay may mga kaibigan o hindi kakilala. 1. Ngumiti, ngumiti at ngumiti. Kapag nakakita kasi ang ibang tao ng ngumingiti, nagpapaalala ito sa kanila na maaaring mayroon silang rason para ngumiti na rin sa kanilang sarili kaya higit silang magkakaroon ng masayang mood. 2. Batiin ang lahat ng makikita o masasalubong. Ito ay para maramdaman nila na sila ay napansin at natanggap sa naturang lugar. 3. Sorpresahin ang tao ng maliliit na klase ng regalo ang isang homemade cup cake o isang pirasong doughnut sa umaga ay tiyak na maghahatid sa kanila ng ngiti. 4. Mainam din na nagbibigay-papuri ka .Gusto ng tao na may napupuri ka sa kanila dahil alam nilang naalala mo sila. 5. Maging optimistiko, kung may isang bagay na nagkakamali sa isang t...

Health Tips For Kids: TAMANG VITAMINS AYON SA EDAD

MARAHIL ay alam na ng isang babae ang ibig sabihin ng disiplinadong diyeta, kasabay ng konsumo ng pang-araw-araw na multivitamin ngunit maraming nalilito sa kung anong tamang nutrisyon at bitamina para sa isang indibidwal. Inilahad ng isang eksperto ang mahusay na guide upang manatiling malusog ang isang babae sa buo niyang buhay mula sa mga sumusunod: 1. Edad 20-29 . Iminungkahi ng isang eksperto ang pagkakaroon ng sapat na vitamin D at calcium ng isang babae para sa mas matibay niyang buto. Ang mga buto sa ganitong edad ay patuloy na lumalaki sa 10% pa nitong nalalabi. Kaya't mahalagang magkaroon ng sapat na calcium upang makabuo ng maraming bone mass makukuha mula sa vitamin D.Mas matibay ang buto, mas malayo sa banta ng osteoporosis sa hinaharap. 2. Edad 30-39 . Upang hindi madaling makaramdam ng pagtanda, inirerekomenda ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na iron sa katawan para sa dagdag na enerhiya. Mai...

Rheumatism: Ano ang SANHI NG RAYUMA

GOOD day po, problema ko po 'yung masakit na paggalaw ko sa likod. Masakit kapag umupo ako at biglaang pagtayo para akong may rayuma. Ang rayuma ay namamana at isa itong sakit na may genetic predisposition. Ang mga joints ng katawan ay apektado at nagdudulot ng pananakit at paninigas ng mga nasabing joints. Halos mahigit sa isandaan ang sinasabing sanhi ng rayuma kasama na rito ang impeksyon, gout, rheumatic fever, matapos magka-injury, pagtanda, osteoarthritis, tumor at iba pang sakit sa nervous system. Ang rayuma ay 'di na gumagaling pa, napapakalma langnatin ito. Mainam na kumonsulta ng personal sa isang doktor para masuri ka at gawan ng ilang test para malaman kung ano ang sanhi ng iyong nararamdaman. - Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane Ludovice, MD

VITAMINS AT PAGKAING PAMPATIBAY NG BUTO

MILYONG bilang ng tao sa mundo ang nakararanas sa kondisyon na tinatawag na bone-weakening desease na osteoporosis-kung saan, tinatayang 15% ng kababaihan at 4% ng kalalakihan ay mayroon nito mula sa 50 gulang pataas. Ang fat-soluble nutrient tulad ng vitamins A at D ay makukuha sa madadahong berdeng gulay at mahusay sa buto at katawan ng isang tao. Ang vitamin K naman ay nakatutulong sa atay ng isang tao upang magkaroon ng sapat na protina na kokontrol sa banta ng blood clotting. Ang vitamin K-2 ay nabubuo sa katawan mula sa vitamin K. Ang vitamin K-2 ay nakatutulong upang makabuo ng collagen sa buto at makaiiwas pa sa banta ng pagkabali. - No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra

Deodorant: Tamang Paraan Ng Paggamit

NANINIWALA ang mga eksperto na ang pinakamainam na oras ng pag-a-apply ng antiperspirant ay sa gabi bago matulog ang isang tao. Kapag sa umaga ito ginagamit, matapos ang paliligo, ang moisture sa balat ay humihina mula sa gamit na produkto na nagbubunsod para mas lalo itong epektibo. Matapos ang paga-apply ng antiperspirant sa gabi, maaaring hindi na gumamit nito sa umaga matapos ang shower. - No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra

Work Tips: Paano Ma Enjoy Ang Trabaho

PARANG lalo yatang nakakabagabag ang araw-araw na balita na 'di gumaganda ang takbo ng ekonomiya.Hindi matiyak kung may pag-asa pa ang mga empleyado na makaahon sa kanilang kabuhayan dahil mababa ang sahod at kung minsan ay nagbabawas ng tao ang isang kumpanya, nababawasan na rin ang mga benepisyo at iba't-ibang kailangan ng mga trabahador.'Ika nga, sabi ng mga eksperto, paminsan-minsan, dapat ang kumpanya ay nagbibigay ng gantimpala at mabubuting salita sa kanilang mga tauhan upang sumipag ang mga ito sa kanilang trabaho at magkaroon sila ng sapat na motibasyon sa kabila ng hindi maayos na ekonomiya. 1. DIREKTANG POKUS . Ang pagrereklamo hinggil sa ekonomiya o ang kumpanya ay 'di nakagaganda sa pakiramdam ng isang empleyado at 'di nakasisigla ng kanilang espiritu sa pagtatrabaho. Sa halip, direkta ang kanilang pokus kung paano sila magtatrabaho at kung paano sila magtrabaho upang maabot nila ang layunin at mapunuan ang kanilang obligasyon. ...

Ah1n1: Tips Para Makaiwas Dito

DAHIL sa patuloy na pagbabanta ng A(H1N1), marapat na mabatid ng bawat tao ang mahusay na paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa naturang sakit. Ilan sa mahalagang malaman sa kung paano maiiwasan ang bantang ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Madalas na maghugas ng kamay. Pinakamainam ang ibayong pagkuskos sa mga kamay gamit ang sabon at malinis na tubig sa loob ng dalawampung segundo, sabayan ito ng pag-awit ng "Happy Birthday" ng dalawang ulit. Patuyuin ang mga kamay gamit ang paper towel. Mas mainam kung gagamitin pa rin ang paper towel sa pagpihit sa gripo kapag isasara na ito. Mahusay din ang paggamit ng hand sanitizer. 2. Iwasan ang paghawak sa mata . Gayundin sa ilong at bibig lalo na kung marumi ang mga kamay. 3. Umiwas sa mga taong mayroong ubo . Gayundin sa mga bumabahing at sumisinghut-singhot 4. Patibayin ang immune system . Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsumo ng masusust...

HEALTH TIPS PARA MAIWASAN ANG 'DI MAPIGILANG PAG-IHI

MILYONG bilang ng mga tao sa mundo ang nakararanas ng tinatawag na urinary incontinence.Kung saan, isa itong kondisyon na nakaka-apekto sa mas maraming kababaihan. Ngunit, ayon sa pananaliksik mayroong paraan upang mabawasan ang ilang suliranin sa mga nakahihiyang yugto mula sa pagbabawas ng sariling timbang. Ang isyu sa pagkontrol sa panunubig ay higit pa sa nakai-stress at hindi kumportableng bagay, nagbubunsod din ito sa panaganib ng dulot ng pagkakahulog at pagkabali ng buto. Kinumpirma ng bagong pananaliksik na ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong upang maiwasan ang suliranin.Ang mga overweight na babae ay marapat na sumailalim sa anim na buwang istriktong pagdi-dyeta at programa ng pag-eehersisyo.Ang ganitong bagay ay nagbubunsod sa malaking porsiyento ng kabawasan sa posibilidad ng madalas na yugto ng urinary incontinence. Malaki ang paniniwala na ang pagbabawas ng timbang ay nakatutulong sa maayos na kondisyon ng bladde...

Health Awareness: 5 SIKRETONG HINDI DAPAT ITINATAGO SA MGA DOKTOR

Para maagapan ang mas malala pang sakit… SADYANG may mga bagay sa buhay ng isang tao na nais lamang niyang itago at hindi na ibahagi pa sa iba. Gayunman, kapag ang ilang sikreto ay ipinagkakait din mismo sa mga doctor lalo na kung tungkol sa nakahihiya ngunit importanteng detalye sa kalusugan, gawi o lifestyle – maaaring isinasaalang-alang ang sariling buhay. Ilan sa mga halimbawa ng mga lihin na hindi dapat itago sa doktor na para na rin sa sariling kalusugan at kapakanan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Pag-iinom, droga at paninigarilyo. Batid ng lahat na ang mga ito ay hindi mainam sa isang tao, kung saan, malamang na ito ang isa mga dahilan kung bakit ayaw ibahagi ng isang tao ang kanyang masamang gawi. Ngunit ang mga ito ay maaaring makapaglihis sa mga doktor sa pagkuha ng tamang diagnosis – na posibleng ikapahamak ng isang pasyente. 2. Hindi normal na pag-ihi at pagdumi. Maraming ...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...

FOOD WARNING: MGA PAGKAING BAD SA HEALTH

AYON sa estimasyon ng mga eksperto, taun-taon ay mataas ang bilang ng mga taong napalalapit sa banta ng tinatawag na food-borne illnesses, kung saan, taun-taon ay halos 5,000 tao ang namamatay. Ang mga nakakatanda, kabataan at ang mga taong mayroong immune system disorders ay ang siyang pinakasensitibong debisyon ng populasyon na marapat mag-ingat. Ang mga sintomas ay kadalasang kinapapalooban ng diarrhea, pamumulikat, lagnat, kasamang dugo sa d umi, pagsusuka, pananakit ng ulo at labis na pagkapagod . Ilan sa mga pagkain na dapat bantayan bago konsumuhin na malapit sa panganib ng kontaminasyon kaysa sa iba na kinabibilangan ng mga sumusunod: 1 . Lettuce . lumalaki ito sa lupa, kung saan malapit ito sa mga pataba. Mainam kung tatanggalin ang bandang labas na bahagi ng naturang gulay at itatapon na lang ng tuluyan. Hugasang mabuti ang bawat layer ng lettuce bago lutuin o kainin. 2 .Mani .. Malapit ang mani sa pagkaka...