NAPAPANSIN mo ba na parang ang mga tao sa paligid mo ay malulungkot? Habang binabasa mo ito, puwedeng sa'yo magsimula ang masayang work environment at gawin mong Masaya ang lahat, sila man ay may mga kaibigan o hindi kakilala.
1. Ngumiti, ngumiti at ngumiti. Kapag nakakita kasi ang ibang tao ng ngumingiti, nagpapaalala ito sa kanila na maaaring mayroon silang rason para ngumiti na rin sa kanilang sarili kaya higit silang magkakaroon ng masayang mood.
2. Batiin ang lahat ng makikita o masasalubong. Ito ay para maramdaman nila na sila ay napansin at natanggap sa naturang lugar.
3. Sorpresahin ang tao ng maliliit na klase ng regalo ang isang homemade cup cake o isang pirasong doughnut sa umaga ay tiyak na maghahatid sa kanila ng ngiti.
4. Mainam din na nagbibigay-papuri ka.Gusto ng tao na may napupuri ka sa kanila dahil alam nilang naalala mo sila.
5. Maging optimistiko, kung may isang bagay na nagkakamali sa isang tao, palitan agad ito ng positibo.Sabihin sa kanila kung paano ito alalahanin at pagagaanin ang lahat.
6. Kung siya ay isang kaibigan, maging balance lamang. Magliliwanag ang kanyang araw, kung marunong kang kumontrol at bumalanse ng sitwasyon.
7. Ang isang maliit na bagay na magsisilbing alaala sa kanya ay nakatutuwa na sa kanya.
8. Tiyakin na ang isang tao na gusto mong pasayahin ay iyong gustong magkaroon ng magandang mood.
9. Tiyakin na hindi ka makasisira ng mood sa pagsasalita ng isang bagay tulad ng negatibo at malulungkot na bagay.
10. Magkaminsan, puwedeng magbiro pero huwag dalasan at baka ma wrong-timing ka pa.
- Tips (Bulgar) ni Nympha Miano - Ang
Comments
Post a Comment