IKAW ba at ang iyong kaibigan, maging ang iyong loveones ay medyo napahiwalay ng lugar? Anuman ang iyong gustong gawin, sundan mo man siya, pero malayo siya, para malaman mo kung miss ka na niya, heto ang mga dapat mong alamin.
1. MAGTANUNG-TANONG. Kayo bang dalawa ay may parehong kaibigan, kung mayroon, sila rin ang puwedeng magsabi sa iyo kung miss ka na niya o kung kinukumusta ka na nang isa. Sa kanila pa lang, malalamahn mo na kung pinagtatanung-tanong ka niya.
2. TANUNGIN ANG HINGGIL SA KANYA. Sa isang simpleng tanong sa mutual friend na gaya ng 'Kumusta siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya? ' Kumusta ang kanyang college work? Dito na ngayon magsisimula ang pangkalahatang pag-uusap hinggil sa naturang tao, kung magagawa ito, basahin ang sumusunod pa.
3. TANUNGIN KUNG NABABANGGIT KA NG NATURANG TAO. Habang ang pag-uusap sa naturang tao ay patuloy, magtanong ng isang bagay gaya ng, 'Binanggit ba niya ako?' Maghintay ng sagot at tumugon sa mainam na paraan. Kapag natapos na ang pag-uusap, pasalamatan ang tao sa pakikinig sa'yo.
4. TUMUNGHAY SA INTERNET. Tingnan kung mayroon siyang blog, facebook o Myspace account.
5. HANAPIN SIYA SA BLOG O ACCOUNT KASAMA ANG IYONG PANGALAN. Sa paggawa nito, makukuha mo ang opinion ng iba sa'yo. Kung ito ay positibo, may magandang tsansa na miss ka na nila at gusto ka na nilang makausap.
6. SIKAPING KAUSAPIN NG DIREKTA ANG TAO. Gawin lang ito kung maganda pa rin ang inyong samahan. Kung hindi naman, baka magka-conflict kayo.
7. HUWAG MAGTANONG NG DIRETSAHAN. Ito ang magbibigay ng maling ideya sa naturang tao.
8. KUNG ANG TAONG NAGTATANONG AY DATING KAIBIGAN NOONG HIGH SCHOOL O COLLEGE, MAS MASAYA.
9. PAG-ARALAN KUNG ANG RELASYON BA AY MAHALAGA SA IYO. Ito ay para malaman mo kung ang tao ay sadyang nami-miss ka.
10. ANG MAKONTAK ANG ISANG TAO NA MEDYO NAKASAMAAN MO NG LOOB NOONG HULI KAYONG MAGKITA AY HINDI INIREREKOMENDA. Baka lang malungkot ang naturang tao o baka naman maalala niya uli ang alitan ninyo
Comments
Post a Comment