DAHIL sa patuloy na pagbabanta ng A(H1N1), marapat na mabatid ng bawat tao ang mahusay na paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa naturang sakit.
Ilan sa mahalagang malaman sa kung paano maiiwasan ang bantang ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. Madalas na maghugas ng kamay. Pinakamainam ang ibayong pagkuskos sa mga kamay gamit ang sabon at malinis na tubig sa loob ng dalawampung segundo, sabayan ito ng pag-awit ng "Happy Birthday" ng dalawang ulit. Patuyuin ang mga kamay gamit ang paper towel. Mas mainam kung gagamitin pa rin ang paper towel sa pagpihit sa gripo kapag isasara na ito. Mahusay din ang paggamit ng hand sanitizer.
4. Patibayin ang immune system. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsumo ng masusustansiyang pagkain, regular na pag-eehersisyo, pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi at pagiwas sa sobrang stress.
Marapat ding malaman ng bawat tao ang mga sintomas na sinasabing nade-develop matapos ang dalawang araw na pagkaka-expose, kabilang na ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, sore throat, ubo, baradong ilong, panginginig, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at pagkaramdam ng pagod. Ang diarrhea at pagsusuka ay naitala rin sa mga sintomas ng A(H1N1).
Makatutulong sa lahat kung ang isang tao ay mananatili na lamang sa kanyang bahay upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng virus at makapagpahinga ng maayos.
Maaaring kumonsumo ng medikasyon na irereseta ng doktor na kinakailangang inumin sa loob ng 48 oras ng pagkakaranas ng sintomas upang ito ay umepekto at tuluyang gumaling.
- No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment