MARAHIL ay alam na ng isang babae ang ibig sabihin ng disiplinadong diyeta, kasabay ng konsumo ng pang-araw-araw na multivitamin ngunit maraming nalilito sa kung anong tamang nutrisyon at bitamina para sa isang indibidwal.
Inilahad ng isang eksperto ang mahusay na guide upang manatiling malusog ang isang babae sa buo niyang buhay mula sa mga sumusunod:
1. Edad 20-29. Iminungkahi ng isang eksperto ang pagkakaroon ng sapat na vitamin D at calcium ng isang babae para sa mas matibay niyang buto. Ang mga buto sa ganitong edad ay patuloy na lumalaki sa 10% pa nitong nalalabi. Kaya't mahalagang magkaroon ng sapat na calcium upang makabuo ng maraming bone mass makukuha mula sa vitamin D.Mas matibay ang buto, mas malayo sa banta ng osteoporosis sa hinaharap.
2. Edad 30-39. Upang hindi madaling makaramdam ng pagtanda, inirerekomenda ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na iron sa katawan para sa dagdag na enerhiya.
Mainam din ang ubas upang mapalayo sa mga senyales ng pagtanda.
3. Edad 40-49. Para sa abalang dekadang ito, iminumungkahi ng isang nutritionist ang pagkakaroon ng sapat na vitamin C.upang malabanan ang stress.Karamihan sa mga kababaihan sa ganitong gulang ay nasa ilalim ng mataas na level ng cortisol na kailangang maitaboy sa katawan — na maaaring magbunsod sa sakit sa puso, cancer, at pagbibigat ng timbang.Magagawang hadlangan ang naturang cortisol sa pamamagitan ng pagkokonsumo ng vitamin C.
4. Edad 50-59.Ito ay upang masagip ang kondisyon ng dibdib atbp.Inererekomenda ng eksperto ang pagkonsumo ng green tea extract upang makaiwas sa breast cancer.
Tinatayang 78% ng kababaihan na naitalang may breast cancer ay nasa ganitong gulang.Ngunit, ayon sa pananaliksik, ang antioxidant na makukuha sa green tea extract ay nakapagpapababa ng panagnib ng breast cancer ng hanggang 12%.
5. Edad 60 pataas.Upang mamantina ang kalusugan ng puso, iminumungkahi ang isang niacsin, ito ay isang super-vitamin na nakakapagpataas ng good HDL cholesterol ng 15% hanggang 30% at nagpapababa sa LDL level hanggang 20%.
Samantalang ang magnesium ay nakababawas ng taas ng presyon ng dugo kaya't mainam na magkaroon nito sa katawan.Ito ay nakatutulong upang mamantina ng tama ang BP ngisang tao.
- No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment