Single ka ba at gusto mong maging masaya? Hindi nga madali ang mag-isa lalo na't nasa mundo tayo kung saan kahit saan ka mapalingon ay mayroong may kasintahan o may mag-asawa. Marami sa atin ay inuubos ang oras sa paghahanap ng taong magmamahal sa atin at mamahalin natin. Umaasa na darating ang panahon na mayroong isang tao na darating sa ating buhay at habambuhay tayong mamahalin. Sa mga panahong ganito, naitatanong mo sa iyong sarili. Pwede ka pa bang maging masaya?
from google image for illustration only |
Maging positibo sa buhay. Imbes na isipin ang mga pangit na dulot ng pag-iisa ay sa halip isipin mo ang mga magagandang bagay na pwedeng ibigay nito sa iyo. Una na ang independence, sa pagiging single lahat pwede mong gawin nang walang taong maghihigpit sa iyo at kokontrol sa buhay mo. Pwede kang makapag-focus sa iyong trabaho, career o anumang plano mo sa iyong buhay. Gusto mo mag travel? Walang pipigil sa iyo. Nasa iyo ang desisyon ng walang taong hahadlang sa mga nais mong gawin sa buhay mo. Tandaan, hindi lahat nang may ka relasyon ay kayang gawin ang mga bagay na kaya mong gawin bilang single.
Pag-aralan ang mga buhay ng mga married couple and you'll realize one thing, hindi lahat sila ay masaya. Mataas ang bilang ng diborsyo sa ibang bansa kung saan ito ay legal at pati nga maging sa Pilipinas na nais na ngang ito ay ipabatas. Marami ang mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang relasyon. Look at the bright side, nailigtas mo ang iyong sarili sa ganitong sitwasyon na siyang pinakamasakit na dinadanas ng mga mag-asawa.
Find an online forum for single persons. Makatutulong ang mga online forums dahil marami kang taong makikilala na pareho ng status mo. Marami kang mapupulot na payo mula sa kanila pagkat iba't iba ang kanilang pinanggalingan at iba't iba rin ang kanilang mga pinagdaanan.
Tanggapin mo kung sino ka at kung ano ka. Be yourself. Ito marahil ang pinakamahirap na dinadanas ng mga single. Madalas sinisisi nila ang kanilang hitsura, pagkatao, at kung ano anu pa. Stop blaming yourself, itigil mo na ang paninisi mo sa iyong sarili at punahin ang mga bagay na wala ka. Kung pinahihirapan mong tanggapin ang iyong sarili, paano ka tatangapin ng ibang tao. Enjoy life. Stop the bitterness and never pity yourself. Napaka-ikli ng buhay para gawin mo itong miserable.
Singleness is not a bad thing kahit anu pa man ang sabihin nila. Sana'y nakatulong sa iyo ang mga tips na ito. Marami nang tanggap ang kanilang pagiging single dahil sa maraming magagandang bagay na dulot nito. Tandaan, ang buhay ay hindi umiikot para lang hanapin si Mister o Mrs. Right. Tama.
NEW NEW NEW ! Eto Pa Ang Mga Tips Para Sa Mga Single ....pa rin.
Watch this video. Like, comment and subscribe bes.
New Tips Para Sa Mga Single Na Gustong Maging Masaya...click here.
Tama ka pero iba parin kapag may kapartner na talaga.kasi kung puro pag iisa ang pag uusapan.,haixt naranasan ko na at nakakasawa na..pero salamat kasi kahit papano may mga taong gumagawa parin ng mga advise para sa kapwa.Godbless
ReplyDeleteMahirap yan ako nga single lagi malas sa babae pati sa buhay kahit gaano ka pa kayaman o na gagawa mo LAHAT ng gusto mo kung mag Isa ka sa buhay mahirap p din un Wala ka kasamang tatanda dipende pa din sa situation ya PANO maging masaya
ReplyDeleteAng Buhay SINGLE ay may Side ma Masaya at May Side din na Malungkot .Pero kung may In A Relationship kanga..ngunit Hindi mo naman dama ..Jinowa ka Para Itago lang ...Pinagtagpo Pero Tinago ..Pumasok sa Isang Relasyon..Hindi naman pala kayang manindigan sa Kakaharaping Sitwasyon..Ma's OKAY NA MAGING SINGLE na namumuhay ka ng Normal sa piling ng mga taong Toroong nagmamahal at nagmamalasakit sato..Kagaya nalang ng magulang mo o Tunay mong Kaibigan na ina appreciate ang Value mo.KAYSA MAY JOWA KA NGA..DAIG MOPA ANG KRIMINAL NA WANTED O KABET NA HINDI MAKALANTAD DAHIL ITINATAGO KA SA ISANG ABNORMAL NA RELASYON ..
ReplyDelete