Skip to main content

Garlic: Ang Pakinabang ng Bawang Sa Iyong Sekswal Na Pangkalusugan at Sexual Potency



Dumarami ang mga Pilipino na nakararanas ng impotence. Ang Impotence ay isang seryosong problema para sa  mag-asawa. Ang sakit na ito ay dulot ng pagkabawas sa daloy ng dugo o hirap sa stimulation.

Ngunit alam ninyo bang ang bawang ay isa sa mga may mabisang pakinabang upang lunasan ang sakit na Impotence? Totoo mga katoto, ang bawang ay mayroong nitric oxide na tumutulong sa transduction system para pasimulan ang paninigas sa ari ng lalaki. Hindi naman kailangan na kumain ka ng isang buong bawang para maging mabisa ito dahil kahit pa sahog lang ito sa ulam o dinikdik pa ito ay pareho pa rin ang benipisyong maibibigay nito sa mga may sekswal na problema. 

Pwede mong subukang gumawa ng isang garlic soup. Ito ang mga simpleng sangkap:

1. Sampung garlic cloves
2. Limang tasa ng beef stock 
3. Isang tasa ng white wine
4. 1/4 tasa ng olive oil
5. Asin at paminta

Para sa mga mag-asawa, maaaring humigop muna ng mainit na bawang soup bago kayo magsiping sa kama.

Iba pang benipisyo ng bawang para sa sekswal na kalusugan (sexual health) 

1. Lunas kung may dinaranas na problema sa pagreregla at endometriosis. Kung may hirap sa pagreregla maaari kang uminom ng gatas na may dinikdik na bawang. Ito ay maaaring magpakalma sa iyo.  

2. Ang pag-inom ng garlic juice ay maigi rin hindi lang sa sexual health kundi pati na rin sa pagbibigay sigla sa iyong kalusugan.

3. Kung ikaw naman ay may lactose intolerance, isang alternatibo sa nabanggit na garlic milk ay pag-inom ng  tsaa na may bawang. 

4. Ang sampung bawang kapag dinikdik at inihalo sa olive oil ay maaaring gawing langis para sa pang-masahe. Subukan mo ito sa iyong partner.

Tunay ngang ang bawang ay isa na sa pinakamabisa at natural na lunas sa maraming sekswal na problema. Kaya't kung nakararanas ka ng sekswal debility, depressed libido, o impotence, subukan na ang bawang mga katoto.


Comments

  1. ok ang garlic tips na 'to ah... basta ako ipagpatuloy ko lang ang pagkain ng boy bawang.. heheheh

    ReplyDelete
  2. mahusay na tip katoto! hahaha....

    @metalpig - natawa ako sa comment mo.. :)

    ReplyDelete
  3. salamat katotong metalpig sa pagbisita

    ReplyDelete
  4. bawang na, nde na sibuyas.. :P

    syanga, nakakagulat ung lumabas na picture djan bandang itaas... in-your-face kumbaga.. heheheh

    ReplyDelete
  5. Nice post po.. ahehehe.. :) Very informative..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...