Skip to main content

Mahimbing Na Tulog Laban Sa Brain Fatigue



Sa modernong panahon ngayon, kung saan walang hinto ang mga bagong kaalaman at paglago ng iba’t-ibang impormasyon ay hindi maiiwasan na makaranas tayo ng brain fatigue kung saan madalas hirap na tayong makaalala ng mga mahahalagang impormasyon. Kaya naman ang mga estratehiya na makaalala tayo ng mga impormasyon na importante ay nagiging kritikal at kailangan.

Ayon sa mga psychologist ng University of Edinburgh, Michaela Dewar na ang pagtulog ng mahimbing (relax sleep) ay nakatutulong para labanan ang brain fatigue, isa itong paraan para mapabuti ang ating memorya.

Sinasabi nga sa ulat ng Live Journal na iyong simpleng pagpikit mo ng sandali pagkatapos mong malaman ang isang impormasyon ay labis na nakatutulong para hindi mo ito malimutan. Itong mga aktibidad gaya nito ay may malaking epekto sa abilidad ng utak na magproseso ng mga impormasyon.

Gumamit si Dewar ng 33 matatanda, iyung nasa edad na 61  to 87 para sa isang halimbawa. Pinabasa niya ang mga ito ng maiikling kwento at pagkatapos ay sinabi sa kanilang alalahanin kung anuman  ang mga bagay tungkol sa kanilang binasa ang kaya nilang alalahanin.

Hinati sila sa dalawang grupo, ang unang grupo ay pinag-relax at pinapikit ang mga mata habang sila ay gising. At ang ikalawang grupo naman ay pinaglaro ng “hanapin ang pagkakaiba” gamit ang kompyuter. 10 minuto ang binigay sa kanila para gawin ito.

Ang resulta ay mas labis na nakaalala ang unang grupo ng mga detalye tungkol sa kanilang binasa kaysa sa pangalawa. Pinalipas pa ang isang lingo, at pinatunayan nitong may recall pa rin sa unang grupo ang kanilang binasa kaysa sa pangalawang grupo.

Pinaniniwalaan ng mga tagapagsaliksik na ang pagpapatatag sa ating memorya gaya ng pagpikit ng 10 minuto, pagrelax o pagtulog ng mahimbing ay nakatutulong sa ating utak na maiging magproseso at makaalala ng mga impormasyon. Kapag walang aktibidad na nagpapatatag sa abilidad nating makaalala ay mahihirapan tayong makapag-proseso ng mga bagong impormasyon.
Source: medicmagicdotnet


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...