Ang vasectomy ay isang ligtas at epektibong paraan para hindi na magdalantao si misis. Paano ito ginagawa? Simple lamang ang operasyon na ito at hindi dapat ikatakot. Pinuputol ang tubo ng semilya ng lalake ( vas deferens), lalagyan ng anesthesia bago ito isagawa at natatapos sa loob ng 30 minutos.
Kahit na-vasectomy na ang isang lalaki, hindi ito magiging sagabal sa sex life nilang mag-asawa at wala itong masamang epekto kay mister. May semen pa rin na lalabas sa lalaki subalit wala itong semilya o sperm cells na siyang dahilan para mabuntis ang ka-partner nito.
Kaya kung sa tingin ninyo ay sapat na ang inyong anak at ayaw ni misis magpa-ligate ay walang masama kung si mister ang magpa-vasectomy.

Source of info: Dr. Shane Ludovice, bulgar.com.ph, email dok@bulgar.com.ph
Comments
Post a Comment