Skip to main content

Swak Na Negosyo Sa Kabataan (Business Ideas)



Ikaw ba ay isang kabataan na nais ng makatulong sa iyong pamilya ngunit mailap sa iyo ang trabaho? Hindi ka nag-iisa katoto, sapagkat marami sa mga kabataan ngayon na tulad mo ang bakante. Sa kabila kasi ng maraming trabaho sa Pilipinas ay hindi naman ganun kalaki ang bilang ng mga kabataan na naka-graduate o undergrad ang may akmang kakayahan para tugunan ang pangangailangan ng mga kompanyang naghahanap ng empleyado. Halimbawa na lamang ay ang mga call center company, aminin na natin, bagamat tayo ay pinalaki sa ingles ay hindi naman ganoon karami ang mga kabataan na fluent sa pagsasalita nito.



Magkagayon man, huwag kang mag-alala sapagkat pwede mo namang subukan ang pagnenegosyo. Dito unlimited pa ang income mo at hawak mo pa ang sarili mong oras. Kumbaga ikaw ang boss. Ngunit anong negosyo ang iyong sisimulan? Wala ka bang ideya? Heto ang ilan sa mga business idea para sa kabataang Pinoy na nais maging Entrepreneur.

Pagbebenta ng Jewelry at Bead Accessories. Ikaw ba ay fashionista at hilig mo ang paggawa ng sarili mong accessories? Isang magandang ideya ito para i-negosyo. Ang puhunan ay depende sa dami ng nais mong simulang ibenta, 1,500 pesos pataas ang kadalasang pasimulang puhunan sa pagbebenta nito. Ilan sa mga materyal na kailangan mo ay nylon cord, pliers, long nose, beads, at head pins.

Pagluluto ng Cupcakes. Mahilig ang Pinoy sa pagkain kaya’t walang dudang patok ibenta ang mga ito tulad na lang ng cupcake. Pwede mong unang maging suki ang iyong mga kaklase, guro, kapitbahay at iba pang kakilala. Kung hilig mo ang baking? Tiyak na mamahalin mo ang pagluluto at pagbebenta ng cupcake. Minimal na Puhunan: 1,500 Materyales at Sangkap: baking pan, oven, spatula, harina, baking powder, asukal, mantikilya atbp.  

Magbenta Ng Mga Produktong Divisoria Online. Malayo ang tiangge ng Divisoria sa ilan nating kababayan, kaya’t para sa ilan na nahihiligan ang online shopping mas pipiliin na lang na mag-search ng mga nais bilhin gamit ang ebay, multiply, facebook, atbp. Kaya’t kung nais mong magkaroon ng mala-divisoriang tiangge ay pwede mong gawin ito gamit ang internet. Magtungo sa divisoria at mamuhunan sa mga murang item tulad ng bag, laruan, damit o anumang interesado kang ibenta online. Paunang Puhunan: 5,000 – sapat na ito para makapagsimula.

I-offer ang iyong talento o kakayahan. Pwede mong i-negosyo ang sarili mong talento, maaaring ito ay kakayahan mo sa pagguhit, pagsusulat, pagkanta o pagsasayaw. Dito walang puhunan na kailangan, sipag at tiyaga lang na i-market ang iyong sarili ang kailangan. Kung talentado kang kabataang Pinoy, tiyak na pagkakakitaan mo ito. Pwede mong maging marketing tool ang pagtatayo ng sarili mong website o pagpapakalat ng leaflets o flyers.

Pwede ka ring mamuhunan sa stock market. Kung may sapat kang ipon o kung may magulang kang mahihingan ng kapital ay pwede kang mamuhunan sa stock market. Pwede kang mag-invest sa halagang 5,000 piso. Para sa iba pang detalye tungkol rito ay magtungo lamang sa website ng Philippine Stock Exchange.

Masarap mag-negosyo sapagkat sabi nga namin dito ikaw ang boss, hawak mo ang oras at hindi fixed ang iyong kikitain. Ang importante lamang ay i-enjoy mo ito. Mahalaga rin na ang papasukin mong negosyo ay hilig mo at interesado kang simulan. Sa mga kabataang Pinoy, hindi porke’t mailap sa iyo ang trabaho ay hind ka na pwedeng kumita. Magsaliksik at maging determinado sapagkat maraming opurtunidad para sa iyo. Ang kailangan mo lang ay tamang pagpili sa mga ito at huwag matakot sumubok.
Source: Businessdiary


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...