Siyam sa sampung tao ang nagmamay-ari ng cellphone kung saan hindi pa kasama rito ang iba pang devices tulad ng cordless phones,iPads,kompyuter atbp.
Ang mga may cellphone ay tinatayang punumpuno ng tinatawag na non-ionizing radiation,isang uri ng enerhiya na sa unang pagkakataon ay opisyal ng ikinakabit sa banta ng cancer. Ang industrial chemical na nakukuha mula sa pauli-ulit na paggamit ng cellphone kung saan nakapagpapataas ito sa banta ng cancer.
Tips For Cellphone Users to Prevent Brain Tumor
Ang mga taong madalas makipag-usap gamit ang cellphone ang malapit sa banta ng tumor sa utak. Gayunman, magagawang protektahan ang sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Bahagyang ilayo ang telepono sa tainga. Karaniwang nagbababala ang manual ng bawat cellphone na mas mainam kung ilalayo ito sa tainga sa tuwing may kausap. Mas mahusay din kung gagamit ng earphone o i-speaker phone mode ito.
- Maghanap ng malakas na signal. Higit na nagkakaroon ng mataas na level ng radiation ang isang cellphone kaya mahina ang signal nito.
- Ilapag sa desk ang cellphone kapag hindi ginagamit. Kapag ang cellphone ay hindi naman ginagamit,mainam itong ilapag sa desk at iwasang ilagak sa bulsa o sa may bandang sinturon. Ayon sa eksperto, ang mga lalaking inilalagay malapit sa bahagi ng kanilang katawan ang cellphone ay nagkakaroon ng mababang sperm counts at hindi kagandahang kalidad ng sperm kaysa sa mga walang ganitong exposure.
- Kung hindi importanteng tumawag,mag-text na lang. Matinding radiation ang nararanasan kapag nagpapadala o tumatanggap ng text message,gayunman ang intensity at haba ng radiation ay higit na mababa kaysa sa pakikipag-usap sa telepono. Higit na mahusay na alternatibo ang pag-tetext kesa sa pagtawag.
- Iwasang gumamit ng cellphone sa loob ng kotse,bus at iba pang sasakyan. Ang paggamit ng cellphone sa loob ng sasakyan tulad ng bus at kotse ay nakapagtataas sa level ng radiation dahil sa repleksyion. Kung magagawa higit na mainam na patayin o ilagay sa airplane mode ang telepono habang bumibiyahe. (full article source: Bulgar No Problem ni Ms. Myra)
Basahin din: Masamang Epekto ng Cellphone Babad
Nagustuhan mo ang tips. Like us on FB Katoto.
Comments
Post a Comment