Nais mo bang kumita ngayong pasko pero hindi mo alam kung anu-ano ba ang pwede at patok na negosyo ngayong holiday season. Ito ang ilan sa mga maaari mong subukan katoto.
- Christmas Gift Wrapping. Kung hilig mo ang magbalot ng regalo, magsimula ka ng gift wrapping services. Ang negosyong ito ay nangangailangan ng malikhaing pag-iisip. Kaya't kung napaka-creative mo ay maaari mo itong pagkakitaan. Pwede kang maningil ng per oras o per balot ng regalo.
- Tree Decorating Services. Tradisyon na ng mga pinoy ang paglalagy ng Xmas Tree sa kanilang bawat tahanan tuwing sasapit ang pasko. Kaya't pwede mo rin itong pagkakitaan. Patok na negosyo ito lalo na't mahusay ang iyong imahinasyon sa pagde-decorate ng Xmas tree. Pwede mong gamitin ang kanilang mga supplies sa pag-dedecorate o mag-offer ng iyong sariling pandekorasyon para mas kumita ka.
- Home Decorating. Bakit hindi mo pa itodo ang iyong negosyo. Hindi lang Xmas Tree Decorating service ang pwede mong pagkakitaan, maraming mga may-ari ng tahanan ang humahanap ng magagaling na tao na handang magbayad para lang maging makinang ang kanilang tahanan ngayong holiday season.
- Fruit Cake Bar. Isa sa mga popular na christmas treat ang fruit cake bar. Kung may magic ka sa pagluluto, syempre isa pa rin sa mga patok na negosyo ngayong pasko ang pagkain at ito ang isa sa mga pwede mong ialok sa iyong mga kapitbahay,kakilala,kaibigan atbp.
- Religious Decor. Ito ang negosyo tuwing pasko na hindi maluluma. Hinahanap hanap ng mga tao tuwing pasko ang mga religious decor tulad ng holy family, mga anghel, nativity scene atbp. Kaya kung hanap mo ay mga item na pwedeng ialok ngayong pasko. Ito ang isa sa mga patok.
Dito sa Pilipinas pagpasok pa lang ng "Ber Months" pasko na. Kaya naman para sa ibang mahilig sa pagnenegosyo, ang holiday season na ito ay isang magandang opurtunidad para kumita. Ito pa ang ilan sa mga patok na negosyo ngayong pasko.
- Paggawa ng hamonado. Hindi nawawala sa tradisyong pinoy ngayong pasko ang paghahain ng ham sa mesa.
- Cellphone Loading Business. Komunikasyon sa pamilya ay napakahalaga ngayong pasko kaya boom na boom ito. Mura na ang puhunan sa loading business, patok pa at sigurado ang kita.
- Christmas Card Business. Mahusay na talento at malikhaing pagiisip ang kailangan mo para kumita ka ng husto rito ngayong pasko.
- Cellphone Accessories. Humanap ng mga cellphone bling bling o cellphone pouches na akma sa pasko. Marami nito sa divisoria na tiyak ang kita pero mura lang ang puhunan.
- Event hosting. May boses ka at karisma, pagkakakitaan mo ito kapag may Xmas Party.
- Puto Bumbong at Bibingka Business. Aba'y hindi pwedeng hindi papatok ito sa pasko lalo na't magaling ka sa pagluluto nito. Tiyak na dadami ang suki mo.
- Chocolate at Kendi. Malapit sa mga bata ang mga ito. Kaya pwedeng pwedeng sideline ang pagtitinda ng mga ito ngayong pasko.
- Lechon. Hindi mawawala sa hapagkainang pinoy ang pagkaing ito. Negosyong swak na swak ito ngayong pasko.
- Pansit Business. Simbolo ng mahabang buhay para sa mga pinoy at tulad ng iba pang lutuin, ito ang hinahanap hanap ngayong pasko.
- Food Catering Business. Marami sa mga pinoy ay wala ng panahon para magluto pa ng mga pagkain ngayong pasko kaya'y patok ang food catering business ngayong pasko.
O hayan katoto. Mamili ka na kung alin sa mga ito ang nais mong pagkakitaan ngayong pasko. Positibong pananaw at determinasyon ang magbibigay sa'yo ng isang matagumpay at patok na negosyo hindi lang ngayong pasko kundi sa buong taon.
Basahin din: Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas
Happy New Year, Katoto!
ReplyDelete