Foot Fungus. Malaki ang tsansa na magkaroon ka ng foot fungus kapag naipon ang mga dead cell sa bahaging ito ng paa. Ang keratin na nakikita sa dead cells ang nagiging pagkain ng fungus. Ang fungal infection ay nagsisimula kapag mahina ang iyung immune system.
May dalawang uri ng foot fungus
Onychmycosis kung ang apektadong bahagi ay ang iyung kuko.
Tines pedis kung ang apektado naman ay ang balat sa paa.
Mabilis makahawa ang taong mayroon nito, madaling napapasa sa pamamagitan ng physical contact tulad ng paggamit ng public bath, swimming pool o gymnasium.
Sintomas ng Foot Fungus
Pangangati sa gitna ng daliri sa paa. Tipong maraming tuklap na balat sa bahagi ng paa.
Pag-iiba ng kulay ng mga kuko sa paa.
May hapdi at pamumula sa apektadong bahagi ng paa
Prevention and Cure to Foot Fungus
Siguraduhing ang paa ay tuyo at malinis kung ikaw ay galing sa sa swimming pool o katatapos lang mag work out sa gym
Magsuot ng cotton socks at maglagay ng antiseptic talcum powder
Araw-araw pagkatapos maligo ay ugaliing ibabad ang paa sa maligamgam na tubig na may halong asin. Nakakatulong ang common salt sa pagpuksa ng mga microbes na naglalagi sa iyong kuko at daliri sa paa.
Maaari ding gumamit ng apple cider vinegar. Maglagay ng isang teaspoon ng apple cider vinegar sa isang baldeng tubig. Hugasan ang paa gamit ito gabi-gabi bago ka matulog. Siguraduhing tuyuin ang paa pagkatapos nito.
Basahin mo rin ito: Nail Fungus: Paano Iwasan at Paano Lunasan?
Comments
Post a Comment