Skip to main content

Gift Items Tips:Mga Pwedeng I-regalo Sa Katrabaho



Exchange gift na naman ba sa opisina?Wala kang ideya kung anu-ano ang pwede mong iregalo sa iyong monito o monita? Ito ang ilan sa mga pwedeng gift item mo para sa iyong katrabaho. Here are some tips for you. A simple list of gift items for your colleagues:


  1. 150 Php Gift Items. Hindi na karaniwan na hanggang P150 lang ang budget ng ibang office exchange gift. Kahit na ganyan lang ang budget, marami pa namang magagandang gifts para sa katrabaho. Isang scented candles,ballpen o isang set ng office supplies ay pwede na. Isang key ring na lalagyan ng litrato mo o keychain ay okey na rin. Isang personalized coffee cup ay tanggap na ng mga mahihilig uminom ng kape, isang coaster na magagamit para lalagyan ng office supplies.
  2. 200 Php-250 Php Gift Items. Pwedeng decorative na candle holder at i-match na lang sa kanyang taste. Ang colonial candle ay may tea light holder na may dekorasyon at praktikal. Kung mahilig siyang magdisplay ng litrato sa kanyang desk ay isang gift idea ito bilang photo frame,puwedeng single photo collage photos.
  3. 300 Php Gift Item. Ang isang buhay na halaman ay magandang regalo. Kung ang katrabaho ay isang coffee drinker,okey na sa kanya ang gift card ng coffee shop. Mabibili ito sa mga website ng coffee shop. Mapipili niya kung ano ang gusto niya,ayon din sa kanyang pagpipigil sa matamis na diet. Ang isang buhay na halaman sa isang may dekorasyong paso ay mabibili sa ganyang halaga basta hindi allergic ang reregaluhan. Kung may budget ka naman na sobra sa 500 Php, ipamiyembro siya sa gym club.(source:Bulgar tabloid)

Sa dami nito marami ka pang maiisip na mga pwedeng iregalo sa iyong katrabaho. Sa pagreregalo, isipin mo ang kung ano sa tingin mo ang mahalaga sa kanya o mga regalong sa tingin mo ay matutuwa siya. Sa huli, hindi ang regalo mismo ang importante, kundi ang pagbibigay mo ng panahon na mahanap ang gift item na iyun na tiyak na kanyang ikagagalak.



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610

Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3  (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...