Mainam sa isang babae ang pagkonsulta sa doktor tungkol sa banta ng hormonal imbalance kung saan ilan sa mga sintomas ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Nakararamdam ng pagod sa lahat ng oras ng walang malinaw na dahilan.
- Nakararanas ng chronic headache.
- Walang gana o interes sa pakikipagtalik.
- Nakararanas ng depresyon at nagiging malungkutin.
- Naglalagas na buhok.
- Nahihirapang mag-concentrate.
- Hirap makapagbawas ng timbang. (source: No Problem ni Ms. Myra)
Pagbabago sa Iyong Lifestyle. Disiplina sa sarili ang kailangan. Umiwas sa bisyo. Iwasan ang pag-inom ng alcohol at ilan sa mga inuming may caffeine. Matulog ng 7 hanggang 8 oras. Mag-take ng bitamina B C D E. Mahalaga rin at makatutulong ang breathing exercise. Mag-diyeta. Mag-ehersisyo araw araw. Ugaliing uminom ng tubig pagkat lagi ka dapat na hydrated. Mainam din ang yoga at meditation.
Madaling sabihin na kaya mong magawang baguhin at itama ang iyong lifestyle pero mahirap itong gawin kung wala kang positibong pananaw na magagawa mo ito. Hindi man ito direktang lulunas sa iyong hormonal imbalance ngunit ito ay mainam para mabawasan ang ilang mga sintomas.
Nagustuhan mo ba ang 7 Signs Of Hormonal Imbalance: Tips Upang Malaman Ng Babae Kung Meron Siya Nito? Like Katoto on FB
Comments
Post a Comment