Skip to main content

Tips Kung Paano Bumili Sa Amazon - U.S TO PH ONLINE SHOPPING

Naisip mo na bang bumili ng produktong made in the U.S o mga produktong tila sa U.S online shopping websites lamang mabibili? Naisip mo na bang subukan ang Amazon.com at iba pang U.S shopping websites pero tila duda ka dahil baka mataga ka sa taxes na ipapataw ng customs o baka duda kang manakaw o hindi mapadala sa iyo ang inorder mo?

Sa totoo lang, ang pag-order mula U.S papuntang PH ay hindi na imposible dahil sa ngayon, ang online shopping sa Pinas ay patuloy na nagiging uso. Pero sa kabila nun, marami sa mga pinoy ang tila hindi pa open-minded para subukan ito sa mga kadahilanang nabanggit sa itaas.

Huwag kang mag-alala, ang Pinoy madiskarte kahit sa anong bagay kaya naman maaari mong subukan ang tatlong kompanya sa pinas na nagbibigay tulong sa mga online shoppers upang mas mapadaling matanggap ang item na binili sa halagang abot kaya ng bulsa at isa pa sigurado kang makukuha mo sa panahong itinakda nila. Ito ang tatlong kompanyang nabanggit:

Johnny Air Retail Padala

Personal naming nasubukan ang serbisyo ng Johnny Air at masasabi kong ayos at simple ang kanilang serbisyo. Ang tanging gagawin mo lamang ay i-address sa kanilang U.S address ang produktong iyong nais na bilhin ( halimbawa sa Amazon.com). At pagkatapos mong mabayaran ang item ay i-email sa kanila ang tracking number na ibinigay sa'yo ng online merchant mo. Sasagot sila sa iyo kinabukasan at i-a-update ka sa estado ng order mo. Ang item ay ipapadala at pwede mong ma-pick up sa kanilang SM Megamall Branch pagkalipas lamang ng isang linggo ( ipagpalagay mo ng walang holiday). At doon ka na mismo sa branch nila magbabayad ng bill mo.

Bilang halimbawa ay sumubok kaming umorder ng limang libro na may timbang na higit kumulang 2 or 3 pounds at ang bill lamang na binayaran namin ay nasa 1,164 pesos lamang. Mura na, mabilis pa. Para sa higit na impormasyon ay hanapin lamang ang kanilang facebook fan page na Johnny Air Retail Padala.

Galleon.ph

Personal din naming nasubukan ang serbisyo ng Galleon.ph. Sa pagkakataon na ito, isang libro ang aming inorder. Kagandahan sa Galleon.ph, lahat kalkulado na. Alam mo na kung magkano ang babayaran mo at 'yun na 'yun. Hindi ka na mapapraning sa kakaisip kung magkano kayang tax ang babayaran mo o ano. Andun na sa website nila ang presyo. Halos lahat ng U.S products na binebenta sa Amazon.com ay meron din sila. O siguro pati na sa iba pang U.S Online Shopping websites ay nandun din sa Galleon.ph.

Sa aming personal experience, nakuha namin ang libro pagkalipas ng apat na linggo. Mabilis na rin kahit papaano at walang hassle na na-pick up namin ang libro sa LBC branch malapit sa amin. Pwede kang bumili sa kanila gamit ang CASH mo o DEBIT/CREDIT CARD mo.

Pobox.ph

Hindi pa namin personal na nasusubukan ang pobox.ph. Muntik na, siguro pag nakapagpasya na kaming umorder ng 50 copies ng librong  Love Tips ni Katoto. Magkagayon man, marami ring positive feedback ang kompanyang ito. Lalo na para sa mga online shoppers na maramihan kung umorder. Sa pobox.ph kasi ay pwede kang magconsolidate. Pwede mong hintayin na mapuno mo ang BOX na kanilang ipo-provide at saka mo na sila hayaan na ipadala na kapag napuno na. Pinakamababang singil nila sa box ay 1,500 pesos ( as of this writing). Sa box na iyon maaari ka nang makapaglagay ng 50 copies ng books. Mas malaki ang box mas malaki ang singil. Kaya sulitin mo ang box mo. Dahil dun sila magbabase hindi sa bigat ng ilalagay mo sa box. Kaya ideal ito kapag bulto-bulto ang binili mo.

Ang order mo ay maaari mong makuha pagkalipas ng limang linggo dahil binabarko ito, hindi eroplano tulad ng Johnny Air at Galleon.ph

O hayan, may choices naman pala. Hindi na dapat matakot pa na magantso sa customs at mataga ng mga buwaya dun. Dahil mayroon na palang mas madaling paraan para sa mga pro at newbie sa U.S to PH online shopping. Subok na.

Comments

  1. Eto tagal ko ng hinahanap maraming salamat itratry ko po ito katoto :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...