Ayon sa WHO, ilan sa mga common na sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS CORONAVIRUS ay ang mga sumusunod:
Acute serious respiratory illness na may kasamanag trangkaso
Hirap sa paghinga
Pneumonia, sa ibang mga pasyente
Gastrointestinal Syndrome tulad ng Diarrhea
Wala pang akmang paliwanag kung paanong ang MERS Coronavirus ay ganun kabilis na kumakalat. Ilan sa mga bansang apektado ng virus na ito ay ang mga sumusunod:
Jordan
Kuwait
Oman
Qatar
Saudi Arabia
United Arab Emirates
May mga ulat na kaso rin sa mga bansang nasa Europa at North Africa, pero ayon sa WHO ito ay paniguradong mula sa mga kaso ng MERS sa middle east na na-import sa pamamagitan ng secondary transmission.
Ilan sa mga pasyente na dumaranas ng MERS Coronavirus ay nagkakaroon ng Kidney Failure. Kalahati sa mga bilang ng taong nagkaroon nito ay mga nangamatay na.
Base sa mga impormasyong mayroon. ay minumungkahi ng WHO sa mga myembro nito na sipating maigi ang respiratory infections at pag-aralan ang mga unusual pattern ng virus na ito sapagkat hindi sa palagian ay matutukoy ng madali kung ang isang tao ay mayroon ng virus na ito o wala, dahil sa ang iba ay nakadadanas lang ng mild o unusual na sintomas.
Kinompirma ng Ministry of Health of Saudi Arabia na mayroong 20 katao ang tinamaan na ng nasabing MERS coronavirus, at sa Jeddah ay may kaso na ng dalawang tao ang namatay sa sakit na ito.
Bilang safety precautions, naglabas ng advisory ang ating gobyerno sa kung paano tayo makakaiwas sa pinangangambahang karamdaman tulad ng mga sumusunod:
Palagian maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig
Magtakip ng ilong kapag mayroong babahing o uubo na tao malapit sa'yo. I-dispose agad ang tissue na gamit na.
Iwasang humawak sa mukha ng ibang tao lalo't hindi ka naghugas ng kamay, lalo sa parteng mata, ilong at bibig
Palagiang linisin ang mga bagay sa kabahayan na madalas hawakan tulad ng door knob.
Iwasang makihalubilo sa mga taong kompirmadong positibo sa virus na ito
Siguraduhing sinusunod ng iyong mga supling ang mga precautions.
Bilang kasiguraduhan na hindi makapangyayari ang virus na ito sa ating bansa ay minabuti ng ating butihing presidente sa pakikipagtulungan ng Department of Health na ilunsad ang Task Force MERS-COV upang magpalaganap ng health awareness tungkol sa pinangangambahang virus. Bagamat wala pa namang Epidemic Outbreak sa Midlle East at sa Arabian Peninsula at mula sa WHO ay wala pa namang inilalabas na travel restriction para sa mga dayuhang nais pumasok sa mga bansang apektado ay minabuti na ng ating gobyerno na aprubahan ang " Issuance of a Bureau Quarantine Alert Bulletin" para sa mga taong tutungo ng Middle East mula sa ating international airports bilang health precaution.
source: bulatlat.com
Comments
Post a Comment