Isang eksperto ang nagpahayag ng ilang pagkain na tinatayang nakapagbibigay ng Omega 3 at Omega 6 fatty acids na kapwa nakapagdudulot at nakapagpapaiwas sa implimasyon na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- MACHA. Ang matcha ay makukuha sa green tea na tinatayang mainam sa tibok ng puso at sa mismong metabolismo na nagtataglay din ng tinatawag na norepinephrine-stimulating EGCG at nutrisyon na mainam sa metabolic rate ng isang tao.
- Almond butter. Ang nutty spread na ito na mababa sa glycemic food ay mainam sa pagpapanatiling mababa ng blood sugar level ng isang tao. Ang blood sugar ay kadalasang tumataas at bumababa na hindi maganda sa metabolismo na siyang dapat pag-ingatan.
- Salmon. Ang masarap at kulay pink na isdang ito ay mayaman sa fatty acids na sadyang makatutulong upang masunog ang fats sa katawan ng isang tao. Ang iba pang fatty fishes tulad ng tuna at black cod ay mainam ding halimbawa.
- Orange. Lumabas sa pag-aaral na ang maasim na amoy ng citrus ay nakapagpapakalma at nakababawas sa level ng cortisol na siyang stress hormone ng katawan. Ang suha at iba pang citrus fruits ay mainam ding halimbawa.
- Pistachios. Ang naturang mani ay mahirap kainin mula sa pag-crack ng shell, ngunit sulit naman sa metabolismo. Ang small meals at snacks tulad ng pistachios sa buong araw ay nagbibigay-pahintulot sa katawan para mas mahusay na makapagproseso.
written in: bulgar.com.ph
Comments
Post a Comment