Skip to main content

Mabuting Dulot Ng Pag-aaway Sa Magkarelasyon (Love Quarrel)



Alam ninyo bang may mga pag-aaral na mas tumatagal ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan kapag sila ay laging nagtatalo o nag-aaway? Kung minsan, dahil sa takot  na tayo ay iwan ng ating karelasyon ay ipinagsasawalang-bahala na lang natin ang kanyang mga kasinungalingan. Mahirap mang aminin sa sarili, tayo ay nagbubulag-bulagan sa sitwasyon at nananahimik na lamang.


Sabi ng mga psychologist, mas masosolusyunan ang problema ng magkarelasyon kung sila ay mag-aaway. Sa pamamagitan kasi noon ay madaling masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap. Samantalang, kung pipiliin na lang ng isang babae o lalaki ang sama ng loob sa kanilang karelasyon ay hindi niya maiiwasan ang makaramdam ng pagdududa. Ang pagdududahang iyon ay ang mistulang anay na sisira sa inyong relasyon.

Sabi ni James McNulty, associate professor sa University of Tennesse, hindi porke nagpatawad ang isang tao ay magagawa na niyang kalimutan ang kasalanan ng kanyang karelasyon. Sa katunayan ay mamamahay ang kanyang tampo sa kanyang puso at magiging dahilan iyon para manamlay ang pakikitungo niya sa karelasyon. Samantalang, kung magkakaroon sila ng balitaktakan tungkol sa problemang kanilang kinakaharap ay lalabas ang lahat ng sama ng loob na kanilang kinikimkim. Kapag nangyari iyon ay siguradong mapapawi ang galit na kanilang nararamdaman.

Ikaw nagagawa mo bang awayin ang iyong karelasyon kapag may kasalanan siya o hindi ba mas gumagaan ang iyong loob pagkatapos? Kaya ikaw na ang makapagsasabi kung tama nga ba ang sinasabi ng mga eksperto na mas nagtatagumpay ang relasyon kung nag-aaway o nagbabalitaktaka ang magkarelasyon?
Source: Bulgar credits to : Gulat ka no ni Ria Gonzales


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...