Skip to main content

Tips Para Maipakitang Mahal Mo Siya (Love Tips)



Mahalaga sa isang relasyon, lalo na’t doon sa matagal ng magkasintahan na maipakita mo pa rin ang iyong pagmamahal kahit na sa simpleng paraan lamang. Isa itong pagpapakita na kahit matagal na kayo ay malambing ka pa rin sa kanya at hindi nawawala iyong kilig at kuryente  na naramdaman mo nung una kayong magkita. Ito ang ilang love tips- 10 simpleng paraan para maipakitang mahal mo siya.


Sabihan mo siya ng I love you araw araw. Pwede mo itong gawin kapag kayo ay nagde-date, pwede rin sa text o sa tawag habang break time mo o lunch time sa trabaho o di kaya’y pagkagising mo pa lang sa umaga at bago ka matulog. Simple itong paraan pero may kilig.

Hindi porke’t sobrang busy mo na sa trabaho ay napapadalang na rin ang iyong paghalik at pagyakap sa kanya. Kung gaano mo siya kadalas halikan at yakapin noon dapat ganoon pa rin iyun hanggang ngayon.

Palagian siyang i-surpresa gamit ang mga love note na pwede mong lihim na ilagay sa kanyang luch box, o di kaya nama’y malapit sa kanyang alarm clock, sa mesa o sa pinto ng refrigerator. Isa rin itong paraan para maipakita na mahal mo siya.

I-text mo siya o kaya tawagan, lalo’t sa mga araw na hindi niya expected na babangitin mo ang mga iyon. Masusurpresa ang iyong kasintahan at kikiligin.

I-convince mo siya na magfile ng V.L para gawin ang isang bagay na pareho ninyong hilig gawin na matagal ninyo ng hindi nagagawa together, tulad ng rock climbing, kumain ng exotic food, mag scuba diving etc. O kahit iyong mag movie marathon at magkwentuhan sa bahay ay pwede na.

Magbigay ng mga special na regalo tulad halimbawa ng CD Album na may laman ng iyong mga awitin ay isang pagpapakita na mahal mo siya habang buhay.

Kapag nakarinig ka ng isang sweet na kanta ay ayain siyang magsayaw kayo together, kahit pa may ginagawa siya sa kusina o nagtatapos ng paper works sa bahay. Iyong simpleng moment na nagsasayaw kayo habang may sweet love music ay pagpapakita rin ng nag-aalab na pagmamahal

Maging showy ka na attracted ka pa rin sa kanyang kagwapuhan at kagandahan. Laging purihin ang kanyang mga physical characteristic na nagpakilig sa iyo noong unang beses ninyong nagkita at hanggang sa ngayon ay kinikilig ka pa rin dito.

At ang huli ay paggawa ng mga maliit na bagay na ma-a-appreciate niya gaya ng ipagluto mo siya ng paborito niyang pagkain o gawin mo iyong mga gawaing bahay na ayaw na ayaw niyang gawin.
Kung mahal mo ang isang tao, kahit pa kayo’y matagal ng magkasama bilang magkasintahan ay mahalagang ipadama mo pa rin sa kanyan kung gaano mo siya kamahal.
Source: superlovetips


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...