Pangkaraniwan na sa mga ikakasal na bride ang tensyonado sa araw ng kanilang kasal. Siguro'y ilang siya sa kanyang suot na gown, iniisip kung ano kayang sinasabi ng mga taong nakakakita o di kaya nama'y ano kaya ang naghihintay sa kanyang kapalaran pagkatapos ng araw na ito. Kung ano man ang dahilan, kung ikaw ay ikakasal na- heto ang ilang bridal tips para hindi ka ma-tense sa iyong araw na pinakahihintay- ang iyong Wedding.
Bridal Tips |
Be yourself. Aminin mo na naiilang ka at parang di ka komportable sa sarili maging sa iyong mga kinikilos at pananamit at pigurahin ang plano pareho upang mapanghawakan ang tensiyon. Mag-isip ng senaryo kung paano ito ayusin at tatapusin. Ang komunikasyon ang siyang susi ng kalutasan ng lahat.
Acknowledge the support from parents and closed friends. Hayaang ang mga pamilya at mga kaibigan na malaman na mapagpakumbaba ka at tanggap mo ang kanilang suporta. Maaari kang mag-isip ng paraan na maisama sila sa seremonya at ritwal ng reception.
Think of the good celebration. Magkaroon ng shower ang mag-asawa o ang ikinasal sa halip na pagsaluhan ng mga kaibigang babae ang okasyon.
Make your guests feel comfortable. Kailangang madama ng mga bisita na sila ay kasali at hindi sila maa-out of place sa naturang okasyon. Bigyan sila ng bawat isa ng bulaklak at bawat isa sa kanila ay kunan ng larawan o kaya ay abutan ang isang pinakamapagkakatiwalaan mong barkada na kunan ng larawan ang lahat ng grupo upang madama nila na siya ay kasali sa naturang okasyon at naroon din sa album ng inyong alaala.
Talk to your guests. Tabihan sa upuan ang mga bisita sa naturang reception, sa halip na lagi kang nakaupo sa head table at hindi man lamang sila kausapin sa upuan.
Have a discussion with the best man and maid of honor. Pakiusapan sila na ibilang ang salita ng pasasalamat sa mga pamilya at kaibigan sa inyong kasalan.
Make your first dance with families and friends. Gawin ang first dance sa buong pamilya o sa buong grupo ng mga kaibigan.
Donate foods to organizations and flowers in your local hospital. Mag-donate ng mga naiwang pagkain sa nangangailangan at maging ng mga ekstrang bulaklak sa lokal na ospital, lalo na sa mga may sakit.
Send thank you messages. Magpadala ng hand-written thank you notes o cards sa mga lumahok at bumisita sa kung magkakaroon ka ng pagkakataong gawin ito.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ong
Basahin din Wedding Month- Tips Sa Pagpili
Comments
Post a Comment