Hindi lahat ng relasyon ay perpekto. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala na ring tamang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Minsan, hindi tayo maka-move on sapagkat pinipilit nating maging okay pa ang lahat kahit ang sakit sakit na. Nandun pa rin tayo sa nakaraan kung saan naranas natin ang sobrang kalungkutan dahil sa kanyang mga kasinungalingan kung kaya’t hindi natin makita ang hinaharap.
Nag-break na kayo pero alam ko na mayroon pa rin sa puso mo
ang nag-uudyok para balikan siya pero tanungin mo ang sarili mo? Tama pa bang
gawin ito? Sasaya ka ba o magiging malungkot lang muli kapag binalikan mo siya?
Kapag binalikan mo ba siya ay hindi na ba siya uulit sa kanyang mga kalokohan o
muli mo lang daranasin sa kanya ang parehong problema kung bakit kayo
nagkahiwalay?
Hindi masamang magmahal ang puso ngunit mayroon tayong utak
para gamitin ito. Kung hindi mo matanggap sa iyong sarili na wala ka na dapat
na balikan pa ay hindi ka makaka-move on. Kung feeling mo may chance pang
maayos, itanong mo ito sa iyong sarili.
Sasaya ka bang muli kapag nagkabalikan kayo?
Kapag humingi ka ba ng payo sa iyong mga kaibigan at
kapamilya, sasang-ayon ba silang tama ang iyong gagawin na makipagbalikan?
Nakatitiyak ka ba sa iyong sariling hindi niya na gagawin
ang parehong kasalanan na kanyang ginawa kaya kayo nagkahiwalay?
Kung OO lahat ng sagot mo, sige’t bigyan mo siya ng one more
chance. Hindi masama ang pagbibigay ng second chance lalo’t deserving naman
siya para rito. Pero kung HINDI lahat ng sagot mo sa mga tanong na ito. Aba’y
move-on na. Marami pang ibang taong pwedeng magmahal sa iyo ng totoo. Maniwala
ka.
Source: bestlovetips.com

Comments
Post a Comment