Skip to main content

Tips Para Mahalin Ka Ng Lalake (LOVE)



Kilig na kilig ka sa first date ninyo, tipong tinatanong mo na ang sarili mo kung mahal ka na niya. Syempre malinaw na hindi pa. Pwera na lang kung naniniwala ka sa love at first sight. Anyway, kung nais mong ma-fall in love sa yo o mahalin ka ng lalaking gusto mo, hindi mo kailangan ng gayuma. Ang kailangan mo lang ay ilang praktikal na paraan para mangyari ito. Heto ang ilang tips para sa’yo:

Ipakita mo sa kanya ang iyong mga kakayahan. Ipakita mo sa kanya ang iyong mga good qualities. Halimbawa, kung marunong kang kumanta ay yayain mo siyang mag-videoke, kung magaling kang mag-pinta ay subukan mong ipinta ang kanyang mukha at iregalo ito sa kanya. Kung mahilig kang magpatawa, ilabas mo na ang iyong best joke para matawa siya.

Magpakatotoo ka. Huwag kang magpanggap na ganito ka o ganoon ka. Maging totoo ka lang sa iyong sarili, kung ano ka, iyan ang ipakita mo. Mas gusto ng mga lalake ang babaeng totoo sa kanyang sarili.

Huwag kang O.A. Huwag mong isipin na porke’t naka-date mo siya ay kayo na at pagbabawalan mo na siyang makipag-date sa iba. Unless nag-decide kayo pareho na kayo ay exclusively dating. Huwag kang desperado na makuha mo siya, tipong gagawin mo ang lahat para magkagusto siya sa iyo. Kalma ka lang, darating ang oras na iyon, kung gusto ka niya at interesado siya sa iyo at nagpakatotoo ka sa iyong sarili. Darating ang time na magiging kayo rin.

Ipakita mong interesado ka sa kanya. Na nais mo siyang makasama sa maraming pagkakataon. Hingin ang kanyang tulong halimbawa sa school project, o sa pag-sho-shopping. Hindi naman ito masama kung wala ka namang intensyon na gamitin siya. Gusto ng mga lalake ang independent na babae pero gusto rin nilang hinihingan din sila ng tulong lalo na ng payo.

Iparamdam mo sa kanya na importante ka. Ipaalam sa kanya na nagiging masaya ka kapag kasama mo siya. Ipakita mo ang iyong care at I-appreciate ang mga bagay kung saan siya mahilig at nage-enjoy gawin. Huwag mong balewalain ang kanyang mga hobby at ang kanyang mga gustong gawin. Gustong gusto ng mga lalake na concern sa kanila ang mga babae.

Maging realistic  ka. Huwag mong hanapin lahat sa kanya sa una ninyong pagkikita. Hindi mo malalaman ang lahat tungkol sa kanya sa isang iglap lang. Huwag kang mag-imagin ng mga bagay na gagawin ninyo ng magkasama tulad ng pamamasyal o panonood ng t.v. Huwag kang mag-assume na gusto ka rin ng gusto mo. Maging tapat ka lang muna sa iyong nararamdaman at ito ang panghawakan mo sa ngayon.
Source: superlovetips



Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...