Skip to main content

Love Tips: In-Love Ba Talaga Sa’yo BF Mo?



Kung ikaw ay isang babae na baliw na baliw sa pag-ibig, tiyak na nais mong malaman kung in-love ba talaga sa iyo ang bf mo. May mga gumugulo kasi sa isipan mo kung bulag ba ang puso, kung imahinasyon mo lamang na mahal ka niya o kung tunay ba talagang mahal ka niya. Hindi naman ganoon kahirap na malaman o tuklasin kung ang bf mo ay in-love ba talaga sa’yo ang tanging kailangan mo lang ay ang pinangagalingan ng mga senyales. Love tips para malaman kung in-luv sa’yo ang mahal mo? Basahin mo ito girlfriend.
Senyales kung paano siya magplano kasama ka:


Nakikita ng bf mo ang kanyang sarili kasama ka sa matagal na panahon. Gumagamit siya ng mga salitang “Tayo” imbes na “Ako”  o “Ikaw” sa pangungusap kapag pinag-uusapan ang pagpaplano tungkol sa relasyon ninyong dalawa.

Sinabi na niyang oras na para makita ka ng kanyang pamilya. Hindi rin siya nahihiya na ipakilala ka niya sa kanyang tropa, mga tunay na kaibigan pati lalo sa kanyang bestfriend. Indikasyon ito na mahal ka nun.

Tinanong ka na niya kung pwede ka bang mag-off sa iyong work next year para makapag-file siya ng vacation leave sa trabaho para makapag-enjoy kayo ng moment together sa isang magandang bakasyunan.

Hindi na nababanggit ng bf mo ang kanyang mga ex. Never ninyo na itong napag-uusapan.
Senyales mula sa kanyang mga kilos at matatamis na salita:

Mahal ka niya kapag na-a-appreciate niya ng husto ang iyong mga surpresa.

Mahal ka noon kapag hindi siya mapakaling tawagan ka o maghintay ng text replies mo para lang makabasa ng mensahe mula sa iyo o marinig ang iyong boses

Nagbibigay siya ng mga regalo, kahit na hindi mahal ito, ay nagpapakita ito ng pagmamahal niya sa iyo. Swerte mo rin kapag lagi ka niyang pinadadalhan ng bulaklak.

Imbes na manood ng t.v habang naghihintay ng lunch o dinner. Ang mapagmahal na boyfriend ay tutungo sa kusina para tulungan ka sa pagluluto upang sabay kayong kakain.

Kahit una siyang nagtungo sa kama para matulog ay hindi nito malilimutan na magsabi sa iyo ng good night at mag-good night kiss pati bago ka matulog

Hindi siya na-le-leyt sa date ninyo, mas maaga siyang dumarating at kahit maghintay siya ng matagal, hihintayin ka pa rin niya. Ang haba ng buhok mo, kasi mahal ka ng bf mo.

Iyan ang ilan sa mga senyales na mahal ka ng bf mo? Higit sa lahat, mararamdaman mo naman iyon kapag mahal ka talaga. May mga senyales lang talaga na hindi ka mahal pero hindi mo pansin kasi nga ang pag-ibig ay nakababaliw. Kapag mahal mo kahit hindi ka mahal ay nagagawa mong umasa na balang araw ay mamahalin ka niya ng totoo. Nakaka-relate ka ano?
Source: superlovetips


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...