Skip to main content

Tips Sa Pagluto Ng Skinless Longganisa



Ang skinless longganisa ay isang uri ng sausage na gawa sa seasoned ground meat (walang balot). Hindi na bago ang pagnenegosyo ng skinless longganisa pero ito ay mabenta pa rin sa mga suking Pinoy. Iba’t-iba ang sangkap sa bawat uri ng longanisa. Ang iba pa nga’y may kamahalan. Pero ito ang tips sa pagluluto ng longganisang may murang sangkap ngunit may kalidad.

Mga Sangkap:

3 kilo ng lean pork
4 kutsarita ng phosphate
1 tasa ng tubig
5 kutsara ng asin (rock salt)
2 kutsarita ng curing salt
2 ¼ tasa ng ground pepper
½ tasa ng crushed garlic
½ tasa  ng anisado wine
½ tasa ng pineapple juice
Food color ( allura red) opsyonal lamang – tunawin ang isang kutsaritang food color sa ¼ na tasa ng tubig.

Sa pagbabalot kailangan ng Polyethylene bag
Para sa ¼ kg: sukat 4”x8” na may kapal na 0.003
Para sa ½ kg: 6”x10” na may kapal na 0.003

Paraan ng pagluto:
  1. Gilingin ang lean meat at back fat. Ilagay muna sa refrigerator.
  2. Magtunaw ng phosphate sa tubig.
  3. Paghaluin ang rock salt, curing salt at phosphate solution. Idagdag sa ground meat at i-blend hanggang sa maging madikit.
  4. Idagdag pa ang anim na natitirang sangkap at paghaluin.
  5. Ilagay sa room temperature na 8 hanggang 10 oras o sa refrigerator ng isa hanggang sa 2 araw.
  6. Maglagay ng 2 kutsarang meat mixture sa paperlyne o cut wrap.
  7. I rolyo ito at sukbitin ang dulo.
  8. Ibalot ang 2 sa polyethylene na bag. Palamigin sa freezer hanggang sa kailanganin ng ibenta.
Masarap na pagkain? Negosyong kumikita? Skinless Longganisa. Subukan mo katoto.

Source: businessdiary


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...