Tiyak na pihikan ka na sa uri ng iyong kinakain kapag ikaw ay nagpapapayat o nagda-diet. Pero teka, baka naman iyong akala mong diet foods ay pwede pa lang nakatataba rin. Heto ang ilan sa mga ito:
Juices have calories. Maraming nasasarapan sa pagkonsumo sa
paboritong fruit juice na kadalasang bahagi ng pagdi-dyeta, ngunit
nakalilimutan ng ilan na ito ay mataas sa calories sa likidong fomula kung saan
ang dami ng inuming nakonsumo sa buong araw ay maaaring makadagdag sa timbang ng
katawan. Kaya’t mas mainam na pumili ng prutas na mas mataas ang bilang ng
fiber tulad ng pinya kesa sa sugar tulad ng hinog na mangga.
Cereal bars have high level of fats. Marami sa atin itinuturing na ang pagkaing ito ay perfect example ng isang healthy meal tulad
ng sa pag-aalmusal o meryenda. Gayunman,
karaniwan sa cereal bars ay punumpuno ng cane sugar at corn syrup, maging ng
mataas na level ng fat. Mainam man sa kalusugan ang cereal, dapat pa ring alalahanin
ang taglay nitong fat, sugar at calories na maaaring magbunsod sa pagbagsak ng
blood sugar level na mas maghahanap pa ng maraming pagkain.
Dried fruit is high in calories and low in fibers. Nagtataglay
ito ng maraming benepisyo lalo na sa sapat na konsumo ng prutas sa katawan.
Gayunman, dahil sa konsentrasyon ng asukal, mataas ito sa calories kumpara sa
ibang sariwang prutas at mas mababa sa fiber at nutrisyon.
Diet drinks can still contribute to your weight gain.
Maraming tao ang umiinom ng bersyon ng sugar free drinks upang manatiling slim,
gayunman, patuloy pa rin itong nagdaragdag sa timbang. Ayon sa pag-aaral ang
mga taong araw-araw kumokonsumo ng diet drinks ay 70% malapit sa paglaki ng
sukat ng baywang, kesa sa regular na inumin dahil sa artificial sweeteners na
nagbubunsod sa gana at humahadlang sa brain cells upang maramdamang busog na.
Salads with dressing are high in fat and calories. Ang salad ay masasabing isang healthy option.
Ito ay binubuo ng gulay at iba pang sangkap na kadalasang kahalo na rin ng
oily, sugary dressings na tinatayang nakapagpapataas sa parehong fats and
calories. Maraming salad ang nagtataglay ng good fats na nakatutulong sa
pagbawas ng timbang tulad ng avocado at olive oil. Mainam ang pag-iwas sa ilang
calories sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang dressing sa salad tulad ng
balsamic vinegar o huwag na lang maglagay ng dressing.
Soup can’t always be a perfect food for a diet.
Sapagkat karaniwan sa mga sabaw ay punumpuno ng bilang ng fat at calories, particular
na ng anumang nagtataglay ng dairy products tulad ng cream at cheese. Gayundin,
maraming sabaw ang may mataas na bilang ng salt na nagdudulot ng weight gain.
Ikaw ba ay nagda-diet at paborito mo ang ilan sa mga ito?
Hinay-hinay lang baka sa labis na pagkain mo ng mga ito ay hindi maging epektibo
ang iyong pagdidyeta.
Source: Bulgar credits to: Ms. Myra
Comments
Post a Comment