Dahil sa paborito ninyong tips ang mga tungkol sa pagpapapayat o mga diet tips, heto ang ilan pa sa mga pagkaing bawal sa mga nagdi-diyetang tulad mo. Ito ang ilan pa sa mga pagkaing akala natin ay nakatutulong sa ating pagda-diet iyun pala’y kung mali o labis ang pagkain mo ng mga ito ay magiging sagabal ito sa iyong goal na pumayat.
Tulad ng popcorn, ang air-popped popcorn ay sagana sa
nutrisyon, mataas din ito sa fiber at sadyang diet-friendly snack ito. Ngunit
maaaring mawala ang healthy credentials nito kung mahahaluan ito ng mantikilya.
Ang ilang pop corn na nabibili sa sinehan ay may mataas na fats at calories
mula sa asukal at butter.
Ang masarap na granola bar na nabibili natin sa supermarket
ay malusog para sa katawan ng isang tao.
Gayunman, isang eksperto ang nagsabing
hindi ito magandang diet food. Ang granola ay mayaman sa nutrisyon at
punum-puno ng fiber. Mas mainam kung kaunting bahagi lang ng granola ang
kakainin ay piliin iyung sugar free.
Ipinagpapalagay naman ng marami na ang dips ay maituturing
na isang healthy snack. Gayunman ito ay punumpuno ng calories at fats mula sa
mga sangkap na mamantika. Mainam kung pipiliin ay ang homemade tomato salsa na
punumpuno ng sangkap na fat-free.
Maraming tao ang nagpapalagay na ang vegetable crisp tulad
ng patatas ay malusog na alternatibo para sa diet. Gayunman, habang ang ilang
gulay ay nagtataglay ng fiber at bitamina. Hindi ito nakukuha sa lahat ng
panahon kung saan isa sa halimbawa ng gulay na mataas sa fat at calories ay ang
patatas.
Isa ka ba sa aming mga katoto na nagpapapayat sa ngayon
ngunit paborito mo ang ilan sa mga nabanggit? Hinay hinay lamang po sa pagkain
ng mga ito baka imbes na pumayat ka ay lalo ka pang lumobo kapag labis at mali
ang iyong pagkain ng mga ito.
Source: Bulgar credits to: No Problem Ms. Myra
Comments
Post a Comment