Ang pork sisig na kilala ring sizzling sisig ay patok sa panlasa ng Pinoy. Ito ay yari sa chunks ng tinadtad at piniritong baboy na hinalo sa berdeng sili,sibuyas,at kalamansi na mayroong itlog sa ibabaw. Ang paggawa ng pork sisig ay magandang idagdag sa iyong carinderia business o sa menu ng iyong restaurant.
Sa paggawa ng pork sisig, ito ang iyong mga kailangan:
4 ½ tasa ng tainga ng baboy, inihaw at hiniwa
1 tasa ng atay ng manok, hiwain sa maliliit na piraso
Ito ang mga sangkap pati:
Para sa paglilinis ay kinakailangan ng 2 tsp ng asin, isang
tasa ng pinigang kalamansi. Ito’y upang alisin ang lansa.
1 tsp ng asin
2 piraso ng bay leaves
1 tbsp ng pinigang kalamansi
4 ½ tbsp ng hiniwang sibuyas
1 tsp ng pamintang durog
2/3 pcs ng siling labuyo
½ tsp ng betsin
Ngayong handa na ang mga kakailanganin. Tara’t simulan na
nating lutuin ang pork sisig mo:
- Ang tainga ng baboy ay kailangang linisin at alisan ng lansa gamit ang asin at pinigang kalamansi gamit ang maraming tubig
- Pakuluan sa tubig at bay leaves hanggang sa lumambot
- Kapag ang tainga ng baboy ay malambot na, ay ihawin ito sa uling
- Kinakailangang ang lahat ng bahagi ay pantay sa sukat
- Sa pampalasa gamitin ang asin, pinigang kalamansi,asin, paminta at vetsin
- Idagdag ang hiniwa’t pinakuluang atay ng manok at hiwain sa maliliit na piraso o sukat tulad ng sa tainga ng baboy.
web source: businessdiary dot com dot ph
Comments
Post a Comment