Ang fishball ay isa sa pinaka-popular na street food sa Pinas. Mas da best ang experience sa pagkain nito kung napakasarap ng sawsawan; sweet and spicy o sweet and sour. Ang fishball ay gawa sa laman ng isda na may sangkap na hiniwang gulay, pampalasa, itlog na binate at corn starch.
Sa paggawa ng fishball ay kinakailangan mo ng mga sangkap na
ito:
Isang kilong isdang lapu-lapu/talakitok/apahap/maya-maya
Dalawang karot
Dalawang patatas
1 buong bawang
Dalawang itlog
¾-1 ¼ tasa ng corn starch
Luya,paminta, asin
Vetsin at toyo
Mga kailangang kagamitan sa paggawa ng fishball
Kutsilyo
Chopping board
Panukat o measuring cap
Strainer o panala
Sandok
Kawali
Takure
Garapon
Kalan ng paglulutuan
O hayan at handa na ang iyong kailangan. Ito na ang paraan
sa paggawa ng fishball:
- Pakuluan ang isda ng tatlo-limang minute sa tubig na may luya
- Gumamit ng panala at ilagay sa isang lalagyan. Kaliskisan ang isda, alisan ng tinik at ulo
- Balatan at hiwain ang karot,sibuyas, at patatas. Ihalo ang mga ito sa fish flakes.
- Igiling, idagdag ang itlog,asin,paminta,vetsin at corn starch
- Lamasin at ibilog ito.
- Pakuluan ang fish stock. Ilaglag ang fish ball isa-isa sa pinakuluang fish stock. I-drain pagkatapos.
- I-luto sa kumukulong mantika
- Itago sa isang sterilized na garapon. Idagdag ang Brine Solution (1 tasa ng asin sa bawat apat na tasa ng tubig)
- Itabi sa loob ng labin dalawang araw
Web source: Businessdiary dot com dot ph
Comments
Post a Comment