Skip to main content

Posts

Showing posts from 2010

Tips Para Maging Matagumpay Ang Long Distance Relationship

Wala na yatang lulungkot pa sa dalawang taong nagmamahalan kung kayo ay malayo sa isa't-isa. Lalo na sa mga panahong gusto mo siyang kayakap, nais mo siyang hagkan o makasiping. Ito na kung tawagin ay Long Distance Relationship . Madalas itong mangyari lalo na sa mga magkasintahan na nagtatrabaho sa magkabilang panig ng mundo o mga may asawang nagtatrabaho overseas. Ito ang ilan sa mga tips para mapagtagumpayan mo ang relasyon ninyo kahit malayo kayo sa isa't isa. "Distance is not for the fearful, it is for the bold. It's for those who are willing to spend a lot of time alone in exchange for a little time with the one they love. It's for those knowing a good thing when they see it, even if they don't see it nearly enough..." - lovingfromadistance.com searched from google image for illustration purposes only Matutong mag chat, email o gumamit nang anumang makabagong teknolohiya para sa inyong komunikasyon. Sa panahon natin ng...

Nail Fungus: Paano Maiwasan at Lunasan?

Ang nail fungus ay kadalasang nakikita sa kuko natin sa paa. Isa sa mga dahilan ay ang pagsusuot natin ng masikip na sapatos, sa haba ng oras na nakasuot tayo ng masikip na sapatos ay nagdudulot ito ng pagpapawis sa ating paa na dahilan naman para magsimula ang fungus. Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Nail Fungus 1. Iwasan ang pagsusuot ng masikip na sapatos. 2. Iwasan ang manghiram ng nail cutter o iba pang gamit na panglinis ng kuko sa ibang tao lalo na kung mayroon itong nail fungus. Maaari kasing makuha mo ang nail fungus sa taong mayroon na nito. searched from google image for illustration purposes only 3. Maaari ring magsimula ang nail fungus sa isang trauma. Kung nakaranas ka ng injury sa iyong mga daliri ay maaaring maging dahilan ito upang makapangyari ang mga bacteria at magdulot ng nail fungus. Kaya't kung maaari ay mag-ingat ka sa paglilinis ng iyong kuko. Para sa mga kababaihan, kung maaari ay magpa manicure lamang sa mga kilalang manicurista. ...

Love Tips: Paano Makalimutan Ang Ex BF o GF

Isang katoto ang lumapit sa amin at tipong problemado sa kanyang buhay pag-ibig. Galing kasi siya sa isang matinding break-up, isang relasyon na tumagal nang halos tatlong taon. Ang malala pa nito, ninais niyang minsang balikan ang dating kasintahan ngunit huli na, may bago na itong iniibig tatlong buwan matapos ang kanilang paghihiwalay. Ngayon ang nais niya ay tips kung paano mabilis na makakalimutan ang kanyang Ex . Maaaring kaya ka narito ay tulad mo rin siyang nakakaranas nang depresyon. Tulad mong galing sa isang masaklap na pagtatapos ng buhay pag-ibig. Honestly, getting over your ex isn't really an easy task to do, there are certain steps you need to do to forget the past relationship and move on with your life. NEW NEW NEW!!! Watch me on youtube para sa tips kung paano maka-move. At wag kalimutan mag-subscribe:)  Heto ang ilan sa mga paraan na pwede mong gawin para makalimutan ang ex bf/gf mo: 1. Isa sa mga pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagp...

Acne: Paano Maiwasan at Lunasan ang Taghiyawat sa Mukha

Sabi nila ang tunay na ganda ay nakikita sa panloob na anyo lamang, tama naman, walang duda at hindi kami sasaluwat sa ideolohiyang ito mga katoto. Ngunit aminin man natin o hindi, we are living in a society that is full of prejudice . Dahil importante pa rin sa mga tao ang panlabas na anyo at dahil ito ang nagdidikta sa kanila ng impresyon tungkol sa iyo. Isa nga sa mga problema ngayon ang pagkakaroon ng taghiyawat at acne . Wala mang konkretong bilang ng tao ang nagkakaroon nito sa mundo ngunit masasabing ito ang isa sa mga skin problem na patuloy na dumarami kada taon. Bakit nagkakaroon ng Acne ? Ang pagkakaroon ng Acne ay dulot ng clogging sa ating skin pores nang oil na nililikha ng ating sebaceous gland. Ang clogging ay resulta ng iba't ibang bacteria Ito ang dahilan kung kaya't ang ibang acne treatment ay hindi epektibo o hindi nagbibigay ng agarang lunas sapagkat ang ilan sa mga ito ay nagpopokus lamang sa sintomas at hindi sa pinakadahilan ng pagk...

Money Problem: Tips Para Harapin Ang Problema Sa Credit Card

Minsan naisipan mong mag-apply ng credit card sa pag-aakalang makakatulong ito sa iyo sa oras ng pangangailangan. Pero dumating ang pagkakataon...sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi ka na nakababayad sa credit card, tumaas ang interest, patong-patong hangang sa dumating na ang puntong nakararanas ka na ng mga hindi makatwirang paniningil ng mga kolektor ng credit card debt dito sa Pinas. Ito ang tips kung paano mo sila dapat harapin. Ito ang tips para harapin ang problema sa credit card.  searched from google image for illustration purposes only Alamin Ang Karapatan. Maging Maalam Sa Batas Maraming manloloko kung maraming nagpapaloko. Hindi porke ikaw ang may utang ay para ka nang nakagapos at sunud-sunuran na lang sa kung anong sasabihin ng mga kolektor ng iyung credit card debt. Tandaan, mas lalo mong ipakitang wala kang alam sa iyong karapatan bilang mangungutang, mas lalo kang makakaranas ng mga harassment, pananakot at makakarinig ng mga kasinungalingan mula...

Call Center Job: Tips Para Matanggap Sa Convergys

Tips Para Matanggap Sa Call Center Kahit Di Magaling Mag-English Isa sa mga naisulat ko sa mga nagdaan ay ang Tips Kung Paano Matanggap Sa Call Center Company . Ngayon, ito na ang iyong pagkakataon para gamitin ang Tips na iyong natutunan sa amin mga katoto. We are inviting you to join one of the biggest and best BPO companies in the Philippines, Convergys. Hanap nila ay tulad mong may good interpersonal skills , computer savvy, keyboarding skill  at may good communication skills . Tips Para Matanggap Sa Convergys 1. Unang ipakita sa resume ang iyong mga strong points . Wala ka bang experience pero ikaw ay nakapagtapos sa kolehiyo? Makabubuting una mo itong ilahad. At kung mayroon kang mga seminar o training na napuntahan na may kinalaman sa call center jobs . Ipakita mo rin ito. Gumamit ka ng legal size na bondpaper para sa iyong resume at kung maaari ay pagkasiyahin mo lang ito sa iisang papel. Makabubuti rin na colored ang print nang iyong le...

Exam Na Naman: Tips Para Ma-develop ang Good Study Habits

Exam na naman ba at tipong ang dami mong kailangan kabisaduhin, aralin, at bigyan ng panahon para basahing muli ang mga nagdaang talakayan. Tiyak ko, ang isang bagay na kailangan ma-develop sa iyo ay ang good study habits . Ito ang tips para sa epektibong pag-aaral. My student when I worked in an English for Koreans Tutorial Center Pagpaplano at Tamang Paglaan ng Oras Ano ba ang kailangan unahin, ano ang dapat ihuli sa mga kailangan aralin? Unahin mo ang mga aralin na sa tingin mo ay nangangailangan ng intensibong pag-aaaral, gaya ng mga subject kung saan ka mahina, kung saan mababa ang mga nagdaan mong mga asignatura at mga exams. Bigyan ng mas malaking panahon ang mga ito, pagkatapos ay ang mga madaling aralin naman ang isunod. Remember, good s tudy habits includes how you plan and how you manage your time efficiently. Pagbabasa Kung may makitang texto na sa tingin mo ay mahalaga, isang paraan para matandaan mo iyun ay ang pagguhit o pag-highlight ng salitang iyon. ...

Genital Warts: Lunas at Paano Makaiwas

Isa sa mga kinatatakutan na sakit ngayon ang pagkakaroon ng genital warts o iyong kulugo na nagsisimulang mamulaklak sa paligid ng iyong ari at kung hindi maagapan ay maaaring kumalat sa iba pang parte ng iyong katawan. Ang Genital Warts ay sanhi ng Human Papilloma Virus na kalimitang nakukuha sa walang pag-iingat na  pakikipagtalik Kung ikaw ay mayroon na ng sakit na ito ay makabubuting pag-ingatan mo na na huwag itong kumalat pa sa iyong katawan o makahawa sa iyong partner. searched from google image for illustration purposes only Ito ang ilan sa mga paraan para maagapan ang pagkalat ng genital warts 1. Maiiging huwag tangkain na pisain, putukin o kamutin ito. 2. Mas makabubuting alam nang iyong partner ang dinaranas mong sakit. Iwasan nang makipagtalik sa kanya na walang ginagamit na proteksyon gaya ng condom . 3. Iwasang hawakan ang genital warts ngunit kung hindi maiwasan ay makabubuting ugaliin na maghugas ng kamay gamit ang isang germ protection soap a...

Hair Problems: Lunas Sa Paglalagas at Pagkapanot

Isang email ang pinadala sa amin ng isang masugid na tagasubaybay ng Tips Ni Katoto. Ito'y tungkol sa maagang pagkalagas ng buhok o pagkapanot. Ito ang nilalaman ng liham: Dear Mga Katoto,  Itago ninyo na lang ako sa pangalang Libra Guy. Ako po ay ofw sa dubai. Ako po ay fan ng inyong blogsite, paborito ko pong basahin lalo na ang inyong tips pangkalusugan at tips kung paano gumanda ang buhay. Ako po ay 26 years old pa lang pero nakakahiya mang aminin, ako po ay napapanot na. Sobrang bumababa ang moral ko sa tuwing nakikita ko sa salamin ang sarili ko. Hindi ko po alam kung anong dapat na gawin. Sana po ay matulungan ninyo ako na makahanap ng solusyon sa maagang pagkalagas ng aking buhok. Maraming salamat po at more power mga katoto. Maraming salamat sa iyong pagtitiwala Libra Guy . Una sa lahat ay alamin muna natin ang sanhi ng pagkalagas ng buhok nang isang lalaki o babae, binatilyo man o dalaga, lalo na sa may edad na. Ilan sa mga dahilan nito ay ang kakul...

Change: Goldilock's Pagbabago Contest

Sa dalawampu't anim na taon ko sa mundong ibabaw...napansin kong kay dami nang nagbago sa aking paligid, maging sa aking mga nakasasalamuha at siyempre pa maging sa aking sarili. Ewan ko nga ba't nang minsang mautusan ako ni mama na bumili ng cake sa Goldilocks para sa birthday celebration ni insan at mapansin kong bago na ang packaging nito at ang ambiance ng store eh siya namang pag flashback ng mga nakaraan sa buhay ko at ang mga pagbabagong napansin ko. NOON Ang mama at papa, lagi silang nagtatalo. Marami kasi silang pagkakaiba at maraming hindi napagkakasunduan. Madalas makita ko silang nag-aaway nung bata pa ako at makitang umiiyak si mama. NGAYON Tingnan mo wacky pa ang posing nila sa pictures na ito. Tinalbugan pa ang mga daga sa ka-sweetan. Ang pag-ibig nga naman, parang Goldilocks , hahanap-hanapin mo pa rin ang linamnam at tamis na dulot nito. You're the no.1 talaga. from google image for illustration purposes only NOON  ...