Skip to main content

Genital Warts: Lunas at Paano Makaiwas



Isa sa mga kinatatakutan na sakit ngayon ang pagkakaroon ng genital warts o iyong kulugo na nagsisimulang mamulaklak sa paligid ng iyong ari at kung hindi maagapan ay maaaring kumalat sa iba pang parte ng iyong katawan.

Ang Genital Warts ay sanhi ng Human Papilloma Virus na kalimitang nakukuha sa walang pag-iingat na  pakikipagtalik Kung ikaw ay mayroon na ng sakit na ito ay makabubuting pag-ingatan mo na na huwag itong kumalat pa sa iyong katawan o makahawa sa iyong partner.

searched from google image for illustration purposes only
Ito ang ilan sa mga paraan para maagapan ang pagkalat ng genital warts

1. Maiiging huwag tangkain na pisain, putukin o kamutin ito.

2. Mas makabubuting alam nang iyong partner ang dinaranas mong sakit. Iwasan nang makipagtalik sa kanya na walang ginagamit na proteksyon gaya ng condom.

3. Iwasang hawakan ang genital warts ngunit kung hindi maiwasan ay makabubuting ugaliin na maghugas ng kamay gamit ang isang germ protection soap at maligamgam na tubig.

Ilan Sa Mga Sintomas Ng Genital Warts Na Maaaring Maranasan

1. Pagkakaroon ng matigas na kulay pulot -pukyutan na hugis pabilog. Mas makati kung mainit ang panahon at madalas sa gabi madaranas ang pangangati. Sa mga kababaihan, ito ay maaaring makita sa loob at labas ng kanilang ari, puwit o sa cervix. Sa kalalakihan, pansin ito sa kanilang bayag, sa uluhan ng ari o sa singit. Kung minsan ito ay kumpol-kumpol na para bang isang cauli-flower.

2. Hindi maipaliwanag na pagkahapo o sinat. Masangsang ang amoy ng hininga, ihi at dumi.

3. Pamamaga at singaw sa gilagid. Kung minsan ito rin ay nagpapakita sa bahagi ng bibig na parang singaw.

4. Pangangati at pamumula sa bahagi ng singit.

5. May sakit na mararamdaman sa tuwing dumudumi na para bagang pinupunit ng maigi ang butas ng iyong puwit

Kung nakakaramdam na ng sintomas ng genital warts

Makabubuti na kumonsulta na sa doktor. Iba't iba ang paraan upang maagapan ang pagdami ng genital warts lalo na sa bahaging kita sa katawan. Pwede mong subukan ang laser treatment ngunit may kamahalan ito o maaari din namang sumubok ng mga natural na paraan upang maagapan ito sa murang halaga.



Nakakahawa ang sakit na genital warts

Tama, maaaring mapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik; bibig, ari o puwit man. At ang totoo pa ito rin ay maaaring mapasa sa pagdikit sa balat ng isang taong mayroon nito. Magkagayon, hindi lahat ng taong lantad sa virus na ito ay magkakaroon nito. May ilan-ilan lamang na kaso na ganoon. 

Tandaan walang partikular na lunas para gamutin ang genital warts, ngunit may mga paraan upang maalis ang mga warts na bahagyang kita, magkagayon ay maiiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon o pagdami. At nabanggit ko na ang natural na paraan para maagapan ito.

Paraan Naman Upang Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Genital Warts:

1. Dahil nga ito ay madalas na nakukuha sa pakikipagtalik ay makabubuting iwasan na ang pakikipagtalik sa iba't ibang tao. Maging tapat sa iyong partner.

2. Ugaliin ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik. Ang condom ay ang iyong sandata upang makaiwas sa mga sexually transmitted disease gaya nito.

3. Maaaring magpabakuna ang mga tao babae man o lalaki anim na taon hanggang dalawampu't anim upang maka-iwas dito. Ugaliin rin ang regular na bisita sa inyong physician.

Upang Makatulong 

Kung ang inyong anak naman ay nagiging maalam na sa mga usaping may kinalaman sa pakikipagtalik ay makabubuting kausapin mo na siya at bigyan ng payo sa tamang paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng genital warts pati na sa iba pang uri ng STD. Kung hindi makasisira sa inyong relihiyon, ay maaari mo siyang turuan ng mga proteksyon gaya ng paggamit ng condom.

Alam nating mahirap para sa mga kabataan ang maintindihan ang mga uri ng STD gaya ng genital warts, tulad ng ibang sakit ay mas maigi nang malaman na ng inyong anak kung paano ito maiiwasan habang maaaga pa.

Basahin din: Wart Removal: Iba't ibang uri at Mabisang Pantangal Kulugo



Comments

  1. Sana mapayuhan mo kami kung pano makakaiwas na makakita ng picture ng etits na may genital warts.

    Hindi na kinailangan pintahan, sumurprise na lang bigla 'a. Hindi naman sa nandiri kami, ayaw lang namin nakakakita ng bird ng iba kung hindi nakabaon sa babae sa porn.

    Hanggang sa sunod na pagdaan namin dito. Apir.

    ReplyDelete
  2. hehe...for illustration purposes only...lol ;)

    ReplyDelete
  3. @ epal

    pinalitan ko na yung pic para medyo kaaya-aya, salamat sa pagbisita at iyung masusing komento ;)

    ReplyDelete
  4. harhar..
    kea nga nilagay yNg pix n un pra makita muh rN kUng aNuh un>>!!
    haiz..

    ReplyDelete
  5. tanung koh lang poh anu poh mabisang gamot sa genital warts?

    Duofilm Lactic Acid...pwede poh bah toh?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah